Nicole's POV
Ang sama sama kong tao. Pagkatapos ng away namin ni Rain, umalis siya ng building. After ng mga narinig ko, gusto kong sampalin yung sarili ko. Dapat kinausap ko siya ng maayos. Dapat tinanong ko muna siya. Hindi ko dapat siya pinagsalitaan ng ganun. Tama siya, marami pa nga talaga akong hindi alam sa kanya. Hindi nga talaga ako mabuting kaibigan dahil sa mga ginawa ko. Ang dami ko ng nagawa kay Rain. To think na lagi siyang andyan para sa akin.
I wanted to talk to her but I decided na wag na muna siguro ngayon. Alam kong galit siya sa akin. Sa totoo lang ngayon ko lang siya nakitang nagalit. Actually hindi nga galit eh. Nakita kong nasasaktan siya. It was the first time I saw her so vulnerable. And it was all my fault. Sana maayos ko pa to. Sana maayos ko pa ung pagkakaibigan namin.
-----------------------
Sarah's POV
"Rain?" andito ako ngayon sa apartment niya. Kanina pa ako kumakatok pero hindi siya sumasagot. Andito lang naman siya eh. Tinex ko siya kanina bago ako pumunta.
"Rain!"
"What?!" sigaw niya. Mukhang badtrip siya.
Hindi ako sumagot at inantay ko siyang buksan yung door.
Ang gulo ng buhok niya tapos ang laki ng eye bags niya. Para siyang hindi naligo at natulog ng ilang araw.
"You look like a mess" sabi ko sa kanya.
"Well I am" sabi niya. Naglakad siya sa kitchen at kumuha ng beer.
"Hindi ba masyadong maaga para magbeer?"
"It's 5 o'clock somewhere"
Alam kong may problema to. Kilalang kilala ko si Rain. Oo nagbago na siya kahit paano. Pero may mga bagay pa rin na hindi nagbago sa kanya. Alam ko pa rin pag may problema siya.
"Wanna talk about it?" tanong ko.
"Pinagsasabi mo?"
"Obviously may problema ka. May matutulong ba ako?"
"Ano bang pakialam mo?" halatang iritado siya ngayon.
"Gusto ko lang makatulong. Pwede mo naman ako kausapin eh"
"Gusto mong makatulong?" sabi niya.
Tumayo siya.
"Sige. Why don't you start on telling me why did you f*cking cheat on me?"
Napatingin ako sa kanya. Bakit biglang ganito ang tanong niya.
"Bakit Sarah? Bakit mo ko ginago ng paulit ulit?!" pasigaw na niyang sinabi.
"Rain" yun lang nasabi ko.
"Bakit?! Wala akong ibang ginawa kundi mahalin at alagaan ka. Pero pucha ginago mo lang ako!"
"Rain sinabi ko na sayo, I was stupid. Hindi ako nagiisip nun"
"Bullshit! Give me an answer! Kailangan kong may paniwalaan dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit mo ko sinaktan ng paulit ulit!"
Umiiyak na siya. Hindi ko alam bakit biglang inoopen na naman niya yung nangyari sa amin. Akala ko kahit papano nagiging ok na kami.
Hindi na ako sumagot. Wala rin talaga akong mabigay na dahilan sa kanya. Hindi talaga ako nagiisip noon. We were young. I was stupid. But I know what I did. Alam ko yung kasalanan ko. Kaya nga ako bumalik para itama yun.
"Rain anong nangyayari? Bakit bigla kang ganyan?"
Lumapit ako sa kanya. Gusto ko sana siyang hawakan pero hindi ko ginawa.
"Wala kang pakialam! Bakit ka ba bumalik? Ok na ako Sarah eh. Kinalimutan na kita! Pero ngayon lahat ng sakit na ginawa mo bumalik rin!"
Hinahayaan ko lang siya. I deserve this. Lahat lahat ng mga sasabihin niya tatanggapin ko.
"You hurt me so bad I could never let another person near my heart. Alam mo ba kung gaano mo ko nasira? Ni hindi ko na magawang magtiwala ulit"
Nakita ko sa mata ni Rain yung sakit at hirap na naramdaman niya. I did this. I did this to her. Ang sama sama kong tao.
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya.
"Bitawan mo ko!" sigaw niya sa akin.
Pero hindi ko siya pinakinggan.
"I'm sorry. I'm so sorry"
Umiiyak na ako habang nakayakap ako sa kanya.
"Sorry. Sorry. Sorry. Paulit ulit akong magsosorry hanggang mapatawad mo ako"
Pumiglas siya sa pagkakayakap ko. Nakatingin lang siya sa akin.
"Rain please. Hayaan mo kong...."
Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko. Bigla niya akong hinalikan. Hindi ko alam ang gagawin. 7 years. 7 years kaming hindi nagkita. 7 years ko siyang hindi nahawakan, nayakap at nahalikan. But now she's kissing me. It's weird but familiar. Hindi na ako nagisip and I kissed her back. I missed her. I missed her soft lips. I missed kissing her.
Hinawakan niya ako sa waist at nilapit yung katawan ko sa kanya. Nilagay ko yung kamay ko sa leeg niya and I kissed her hard. She slowly trailed kisses on my cheek, my jaw and she suddenly kissed me on my neck. Napa-moan ako sa ginawa niya. Hindi ko namalayan na papunta na kami ng kwarto niya.
"Rain" I was breathing so hard.
"Ssshhh" sabi niya habang hinahalikan ang leeg ko.
Alam kong hindi namin dapat ginagawa to. Gusto kong bumawi sa kanya. Pero sa ngayon hindi na ako nagiisip. Hinayaan ko na yung sarili kong gawin yung gusto ko. Hindi ko na inisip kung anong tama. I'm here with Rain. And that's enough for me.
Hinila ko yung mukha niya at hinarap ko siya sa akin. Nakatingin lang siya sa akin. I can see lust in her eyes.
Tinanggal ko yung top ko. Hinawakan ko yung kamay niya. Hinila ko at nilagay ko yung kamay niya sa chest ko.
"I'm still yours Rain. All yours"
At saka ko siya hinalikan ulit. Naramdaman kong tinatanggal na niya yung button ng pants ko. Unti unti akong humiga sa bed niya. She managed to remove my pants and undies. She laid on top of me. Tinignan niya ako sa mata. Hinawakan ko yung mukha niya. Mahal ko siya. Yun lang yung alam ko ngayon.
"Don't think. Just for now, be with me"
BINABASA MO ANG
She's My Cold Coffee
RomanceIsang takot magtiwala at magumpisa. Isang takot makasakit at bumalik. At isang takot lumaban. Hanggang kailan ka matatakot? Anong kaya mong gawin at kalimutan para maging masaya? Mananatili ka na lang ba takot at magisa? Sino ka sa kanila?