Rain's POV
Pagkagising ko sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ko na naman maalala yung mga nangyari kagabi. Araw araw akong umiinom. Yun lang yung alam kong paraan para kahit paano mawala sa isip ko si Nicole. Hinayaan ko na talaga siya kasi yun yung advice ni Mama. Pero hindi ibig sabihin na hindi ko pa rin siya naiisip.
Pagkatingin ko sa tabi ko. May katabi akong babae.
"Sh*t" sabi ko.
"Well good morning din sayo"
Humarap sa akin si Sarah. Hindi ko maalalang kasama ko siyang umuwi.
Tinignan ko yung suot kong damit. Hindi ito yung suot ko kagabi.
"Did we have sex?"
Nagsmile si Sarah sa akin.
Bigla akong tumayo. Medyo nagpanic ako.
"Relax Rain. Hindi tayo nagsex okay? Rarapin sana kita pero hindi pa naman ako ganun kadesperada"
"Sorry. Ni hindi ko maalala kung paano ako nakauwi" sabi ko sa kanya.
"You were so drunk. Buti nga natawagan mo pa ako kagabi. Kaya next time Rain, dito ka na lang sa apartment mo uminom. Buti sana kung may kasama ka at hindi ka nagdidrive pauwi"
"Eh sila Sid kasi iniwan ako kagabi. But thank you na pinuntahan mo ako"
Bumangon siya at lumapit sa akin.
"Alam mo namang andito pa rin ako para sayo diba?"
"I know. Maaasahan pa rin talaga kita"
Tinignan niya yung watch niya. Bigla siyang nataranta.
"Sh*t! Past 9 na. Late na ako sa work"
Agad agad niyang kinuha yung mga gamit niya.
"May work ka na?"
"Yap. Last month lang ako nagstart"
"That's great" sabi ko sa kanya.
"Yeah. Pero baka mawalan ako ng trabaho kung lagi akong late papasok. I have to go. Just text me kung may kailangan ka"
Hinatid ko siya sa may door.
"And please wag ka ng magdadala ng sasakyan kung iinom ka sa labas. Hindi safe yang ginagawa mo"
Lumingon kami sa elevator kasi biglang tumunog. At talagang nang-aasar lang ang universe dahil si Nicole yung andun.
Tumingin ako kay Sarah at saka ako nagsmile sa kanya. Pero bigla akong nagulat nung bigla niya akong hinalikan sa lips.
"I'll see you tonight" sabi niya at saka siya umalis.
Okay, what just happened? Bakit niya ako biglang hinalikan? And bakit niya sinasabing magkikita kami tonight? Wala naman kaming usapan.
Dumirecho agad si Nicole sa door niya. Ni hindi niya manlang ako tinignan.
Great! What a nice way to start my day.
----------------------Nicole's POV
Kaninang umaga nakita kong hinalikan ni Sarah si Rain. That means seryoso siya sa sinasabi niya na hindi ko na mababawi si Rain once na hinayaan ko siya. And to be honest, I'm scared. She has a point. Dati siyang minahal ni Rain, ibig sabihin pwede pa rin mangyari yun.
Kagagaling ko ng resto. Sobrang pagod ko kasi ang daming customers kanina. Almost 12 na rin pala. Medyo late tuloy kami nagclose.
BINABASA MO ANG
She's My Cold Coffee
RomanceIsang takot magtiwala at magumpisa. Isang takot makasakit at bumalik. At isang takot lumaban. Hanggang kailan ka matatakot? Anong kaya mong gawin at kalimutan para maging masaya? Mananatili ka na lang ba takot at magisa? Sino ka sa kanila?