Nicole's POV
"Alam mo ba kung nasaan siya? Dalawang araw ko na kasi siyang hindi nakikita sa apartment niya"
Kausap ko ngayon si Xavier sa phone. Dalawang araw na kasi akong pabalik balik sa apartment ni Rain. Lagi naman walang sumasagot. Ang alam ko hindi pa rin siya umuuwi simula nung nakausap ko si Sarah.
"Please Xavier. Gusto ko lang siyang makausap. Gusto ko lang magsorry"
Ayaw ko siyang tawagan o itex dahil gusto kong personal siyang makausap.
"Ok sige. Salamat"
Sinabi ni Xavier na tatanungin niya muna si Rain kung dapat ba niyang sabihin sa akin kung nasaan siya. Alam kong tatanggi si Rain. Hindi ko na alam gagawin ko. Simula nung nag-away kami lagi na akong hindi ok. Ang bigat sa pakiramdam na alam mong may nasaktan ka. Gusto ko na talaga siyang makausap. Gusto ko na rin siyang makita dahil namimis ko na siya. Ano ba Rain. Ano ba tong ginagawa mo sa akin.
------------------------
Papunta na sana ako sa resto na nakita ko na naka-open yung door ni Rain. Agad agad akong pumasok.
"Oh hi Nicole" sabi ni Xavier
"Hi" medyo disappointed yung pagkasabi ko.
"Wala pa rin siya. Andito lang ako para kumain"
Alam naman kaya ni Rain na ninanawakan siya ng kaibigan niya ng pagkain.
"Xavier hindi ko na alam gagawin ko. Please sabihin mo naman na sa akin kung nasaan siya"
Kulang na lang lumuhod ako harap niya para lang sabihin niya sa akin.
"Nicole naman kasi, bakit mo ginawa yun? Mali kasi talaga eh"
"Alam ko yun. Ang tanga ko naman kasi eh. Sana kinausap ko na lang siya ng maayos. O kaya nagtanong muna ako"
"Tanga ka talaga" sabi ni Xavier
Tinignan ko siya ng masama.
"What? Ikaw mismo nagsabi"
"Anong gagawin ko Xavier?"
"Alam mo bang sobrang hirap para kay Rain na magtiwala sa mga tao? And I'm guessing alam mo na kung bakit diba? Kung nakilala mo siya 7 years ago, maaawa ka talaga sa kanya. At maiinis at the same time. Eh tanga din kasi yun noon eh. At hindi naging madali para sa kanya yung nangyari. Pero naging ok siya. Kaya lang kung meron man naging sobrang epekto yung nangyari sa kanila ni Sarah, yun yung hindi na niya kayang magtiwala ulit"
Nakatingin lang ako kay Xavier. Nakikinig sa mga sinasabi niya.
"Simula noon para na siyang gumawa ng isang malaking pader sa paligid niya. Wala siyang hinayaan na makapasok ulit sa buhay niya. Well, except for Emily. Pero ibang kwento na yun. The thing is, nakita ko na kahit paano unti unti niyang binubuksan yung sarili niya sayo. And believe me Nicole malaking bagay na yun sa kanya"
"Pero sinira ko na ba yung chance ko na pagkatiwalaan niya ako?"
"Siguro. Hindi ko alam sa totoo lang. Pero isa lang ang sigurado ko. Mabait na tao si Rain. If there's one thing I love about her, it would be her heart. Kahit pa gaano kalaki yung kasalanan mo sa kanya. Alam kong kayang kaya ka pa rin niyang patawarin"
BINABASA MO ANG
She's My Cold Coffee
RomanceIsang takot magtiwala at magumpisa. Isang takot makasakit at bumalik. At isang takot lumaban. Hanggang kailan ka matatakot? Anong kaya mong gawin at kalimutan para maging masaya? Mananatili ka na lang ba takot at magisa? Sino ka sa kanila?