Chapter 48 - But something happened 3 years ago

5.3K 156 2
                                    

Nicole's POV

"Welcome back Rain and Nicole" sabi ni Kuya Cesar sa amin. Nasa lobby na kami ngayon ng building. Papasok na ng elevator.

"May pasalubong ako sayo Kuya. Baba ko mamaya" sabi ni Rain sa kanya.

Feeling ko close din talaga silang dalawa. Eh kahit naman sino siguro makakasundo ni Rain. Madali kasi siyang pakisamahan. Medyo masungit siya pag titignan mo. Pero sobrang bait niya.

"Nag-enjoy ka?" tanong niya. Habang naglalakad kami papasok ng elevator.

"Sobra. Para akong nakahinga sa lahat ng pressure dito"

"Pero andito na naman tayo. Balik na naman lahat ng pressure"

"Yeah" sabi ko lang.

"Niks?"

Tinignan ko siya. Hinawakan niya yung kamay ko.

"Eh tayo? Balik ba ulit tayo sa dati? Kasi ako ayoko eh. Gusto kong ituloy kung ano man mga nangyari. Gusto kong ituloy tuloy to. Ikaw ba?"

Nagsmile ako sa kanya. Tapos tumango ako.

"Talaga?"

"Oo nga!" sabi ko sa kanya.

Niyakap niya ako. Sobrang nararamdaman ko yung saya ni Rain.

Brineak niya yung hug namin. Tapos sinandal niya yung noo niya sa ulo ko. Pareho kaming nakapikit. Tapos bigla niyang hinawakan yung mukha ko.

"I love you" sabi niya bigla. And I swear parang naririnig ko na yung sarili kong heartbeat sa sobrang bilis at lakas.

"Niks I was scared to try again. Dahil hindi ako sigurado kung kaya ko pa ulit. Kung kaya ko pang magtiwala ulit. Magmahal ulit. But here I am, opening myself to you. This is all of me Niks"

I know what I want to tell her. Alam ko ang isasagot ko. Pero hindi ako sigurado kung tama ba.

"Niks please say something" sabi niya ulit sa akin.

Tinignan ko siya sa mata. Her eyes, they've always been genuine and sincere. No one ever looked at me that way before. Nag-smile ako sa kanya. I'm going to say it. I don't want to lie to myself anymore.

"Relax Delgado. I ...."

Ding!

Biglang bumukas yung elevator.

"Nicole!"

Napalingon sa ako hallway. Andun si Max sa labas ng apartment ko.

"Perfect timing" sabi ni Rain. Medyo mahina pero narinig ko pa rin.

"Shut up" medyo kinakabahan ako. Kasi nakita kami ni Max.

Lumabas kami ng elevator at pumunta kay Max.

"Kanina pa ako ng text ng text sayo. Hindi rin kita matawagan" 

Kinuha ko yung cellphone ko sa pocket ng jacket ko. Naka-airplane mode pa rin pala ako.

"Sorry. I forgot to switch off the airplane mode. Why? What's wrong?" sabi ko kay Max.

"Let's talk inside. Hi Rain" sabi ni Max sa kanya. Kumaway at nagsmile si Rain sa kanya. Binigay ko yung susi ng apartment kay Max para mauna na siyang pumasok.

Pagkapasok ni Max sa apartment bigla akong hinila ni Rain sa kanya.

"May sasabihin ka?" sobrang ngiti niya. Para siyang timang.

"Mukha kang ewan"

"May sasabihin ka nga diba?"

"I know. Pero pwedeng mamaya na natin ituloy? Mukhang seryoso yung sasabihin ni Max eh"

Sumimangot si Rain. Para siyang bata.

"Why don't you come over for dinner later? I'll cook. And saka natin itutuloy yung pinag-uusapan natin. Okay?"

"Yes maam!" sumasaludo pa ang sira.

"I have to go" hinug ko siya at saka ko siya kiniss sa lips.

----------------

Pagpasok ko ng apartment nakatayo si Max sa sala.

"Medyo matagal kayo nagusap ah" sabi niya sa akin.

Binaba ko yung bag ko sa may sofa. At saka ako umupo.

"What's wrong Max?"

"We'll talk about Rain later. For now, you must know that Ethan is in the hospital"

"What?! What happened? Is he okay?" nakatayo na ako ngayon dahil sa sinabi niya.

"I need you to calm down. He's okay now. They rushed him to the hospital last night"

Umupo ako at yumuko. Hindi ko na mapigilan maiyak. Umupo si Max sa tabi ko. At kinokomfort ako.

"What happened Max?" sabi ko. Nakatingin ako kay Max habang tumutulo yung luha ko.

"It's happening again" hindi na rin napigilan ni Max na maiyak.

Niyakap niya ako. You see simula bata kami close na kami ni Ethan. Kaming dalawa talaga ang laging magkasama. Si Max kasi sa states na nag-aral. Kami Ethan lang ang meron ako noon. But something happened 3 years ago. Simula nun, nagiba na lahat.

"By the way, hindi ba ako hinanap ni Mommy?"

"She did. But I told her na you were sick kaya wala ka sa resto ng ilang araw. So maligo ka na, pupunta tayo sa hospital. Magtataka na yun kapag hindi ka pa pumunta dun"

Hinawakan ko yung kamay ni Max.

"He's going to be okay right? I mean he have to"

"He's okay. Kailangan lang talaga niya tayo ngayon"

-----------------

Nag-aalangan ako pumasok sa kwarto ni Ethan. I don't like seeing him like this.

"It's okay. It's Ethan. Kayang kaya niya to"

Pumasok kami ng room. Andun si Mommy sa tabi niya.

"Hi" sabi ko kay Ethan. Pinipigilan kong umiyak. Hindi niya pwedeng makitang umiiyak ako.

Kiniss ko si Mommy sa cheeks.

"How are you feeling? Max told me you were sick"

"I'm good now"

Tumayo siya para ako muna ang umupo sa tabi ni Ethan.

"I'll just talk to his doctor. Pwede na daw siyang lumabas today"

"Hi baby sister"

"Ang korni talaga ng baby sister"

Nagsmile siya. Atleast I can see that he's feeling better na.

"Ethan"

"I know. I'm sorry" alam niya na agad kung anong sasabihin ko.

"You promised me. You promised me you won't do it again"

"It was just a mishap Nicole. Yun lang"

Umiiyak na naman ako.

"Nicole, please"

"You know I can't lose you Ethan. Please don't do it again"

Pinunasan niya yung luha ko.

"I saw her" sabi niya.

"Si Belle?"

She's My Cold CoffeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon