Rain's POV
"Gaano katagal yung flight?" tanong ni Nicole.
Ang saya saya ko ngayon kasi pumayag siyang sumama sa akin. Thank you talaga kay Max. Excited akong ipakita kay Nicole kung saan ako lumaki. Makikilala niya yung iba pa naming mga friends nila Xav. Susunod din sila nila Ayen at Sid sa Friday. May mga pasok pa kasi yung mga yun.
"8 hours"
"Seriously? Eh parang nag-out of the country na ako nyan ah" gulat na gulat siya.
Nakita niyang tinatawanan ko siya.
"Hindi ka talaga matinong kausap!" sabay palo na naman sa braso ko.
"45 minutes to 1 hour lang po ang flight Miss Elizalde. Ni hindi mo pa magagawang umidlip dahil saglit lang"
"Sino bang nagsabi na inaantok ako?" sabi niya sa akin.
"Kanina pa kita tinitignan. Yawn ka ng yawn. Pati tuloy ako nahahawa"
"Eh sino ba kasing nagsabi na tignan mo ko?"
Hindi ko siya sinagot. Tinititigan ko lang siya. Gustong gusto ko siyang asarin eh.
Lumingon siya sa akin.
"Rain tigilan mo ko ah"
Lumapit ako sa kanya.
"Nang-aasar ka na naman eh"
Mas lalo ko pang nilapit yung muka ko sa kanya. Sobrang tinititigan ko lang siya habang tumatawa ako.
Biglang seryoso yung mukha niya. Tumingin siya sa akin. Tumatawa pa rin ako. Hanggang sa nakakatitig na lang talaga siya sa akin. Aba, gumaganti na rin siya ah.
Hindi niya inaalis yung tingin niya sa akin. Medyo nacoconscious na ako. Hindi pa siya nakontento mas nilapit pa niya yung mukha niya sa akin. Ayaw niyang patalo.
Ni hindi na ako makangiti kasi sobrang nacoconcious na ako sa tingin ni Nicole. Hindi ko alam kung bakit pero para akong nanlalambot.
Rain, kalma. Inaasar ka lang niya. Wag kang papatalo.
Hanggang sa seryoso na kami pareho. Nararamdaman ko na lang na nag-iba na yung pagtingin ko sa kanya. Alam ko sa sarili ko na hindi ko na siya inaasar. Na gusto ko na lang siyang titigan. Na parang meron akong gustong sabihin.
Hindi ko alam kung inaasar niya pa rin ako pero bigla niyang hinawakan yun mukha ko. Ang lalim na ng paghinga ko. Eto na naman yun eh. Yung pakiramdam na hindi ko maexplain. Na para akong nasusuka sa sobrang kaba.
"Rain" biglang sabi niya. Mahina lang yung pagkakasabi niya.
Hindi ako sumagot. Hindi ko alam pero bigla kong pinikit yung mga mata ko.
"Ano bang ginagawa mo sa akin Nicole?"
Hindi ko alam kung sa utak ko lang ba yun or sinabi ko siya out loud. Dinilat ko yung mata ko para tignan yung reaksiyon niya.
"Excuse me maam. Sa flight J24 po ba kayo?"
Nagulat kami pareho ni Nicole. Napatingin kami dun sa staff nung airline.
"Ha?" sabi ni Nicole sa kanya. Halatang hindi namin narinig yung sinabi niya.
"Magboboard na po tayo maam. Naglast call na po kami kanina pa"
"Sorry miss. Sige. Papasok na kami" sabi ko sa kanya.
Kinuha namin yung mga gamit namin at nagboard na kami ng plane.
Ang tahimik namin habang naglalakad. Awkward kaya para sa kanya yung nangyari? O inaasar pa rin talaga niya ako kanina.
Tinulungan kami nung flight attendant sa mga gamit namin. Tapos umupo na kami.
Tahimik pa rin kami pareho. Sana naman hindi maging awkward to.
Tinignan ko yung kamay niya. Oh anong binabalak mo Rain? Gusto mo ata talagang maging awkward tong flight niyo eh. Pero hinawakan ko naman na dati yung kamay niya eh. Hindi naman siya nagalit. Ano ba naman to.
"Okay ka lang?" sabi bigla ni Nicole.
"Ha?"
"Sabi ko okay ka lang?" tanong niya ulit.
Nagsmile ako sa kanya.
"Yap" sabi ko lang.
Tahimik na ulit kami.
Screw it! Hindi ko na inisip kung anong sasabihin niya. Bigla ko na lang hinawakan yung kamay niya.
Nakita kong lumingon siya sa akin. Pero kunwari nakatingin lang ako sa harap. Bigla tuloy akong pinagpawisan.
Naramdaman ko na lang na sinandal niya yung ulo niya sa shoulder ko. Lumakas tuloy yung loob ko. Dahan dahan kong pinaglapat yung mga daliri namin para magkaholding hands na talaga kami. Hindi niya tinanggal yung kamay niya. At dahil dun, hindi ko napigilang mapangiti.
-------------------------
Nicole's POV
"Ano bang ginagawa mo sa akin Nicole?"
Sabi ni Rain habang nakapikit siya. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin sa sinabi niyang yun. Pero ano nga ba ang ginagawa ko? Balak ko lang naman talaga siyang bawian kanina kasi inaasar niya ako. Pero biglang nag-iba yung tingin ko sa kanya.
Hindi ko na maintindihan yung sarili ko tuwing kasama ko si Rain. I'm acting strange around her. I know that. I am aware of that. Pero wala akong ginagawa. Pag kasama ko na siya hindi ko na iniisip kung anong mga dapat gawin. Kung paano mag-act towards her. Ginagawa ko na lang yung gusto ko.
Kanina nung hinawakan niya yung kamay ko, alam kong dapat iniwas ko na lang. Pero sinandal ko pa yung ulo ko sa balikat niya. At nag-holding hands pa kami. Holding hands! What am I doing? Bakit hinahayaan ko lang to?
Bago ko makilala si Rain nakatatak na sa utak ko na I should hate people like her. I should hate her. Kaya ko nga siya iniwasan noon. But no matter what I do, I just can't get myself to hate her. As much as I don't want to admit it, she makes me happy. Napapasaya niya ako.
Oh God! I think I should be the one asking her. Anong ginagawa mo sa akin Rain?
BINABASA MO ANG
She's My Cold Coffee
RomanceIsang takot magtiwala at magumpisa. Isang takot makasakit at bumalik. At isang takot lumaban. Hanggang kailan ka matatakot? Anong kaya mong gawin at kalimutan para maging masaya? Mananatili ka na lang ba takot at magisa? Sino ka sa kanila?