Rain's POV
"Anong oras ba sila darating ma?"
"Dito daw sila magdidinner. Kasama si Zoe"
Si Zoe yung kaisa isang pamangkin ko. Si Jake pa lang kasi yung may anak sa mga kapatid ko. Yung ate ko na panganay namin, hindi pa rin nagpapakasal. Pero may boyfriend siya. Yung sumunod naman sa kanya, may asawa na pero wala pa silang anak. Pareho silang nasa ibang bansa.
"Uhm Rain, saan ko pwede ilagay yung mga gamit ko?" sabi ni Nicole.
"Nicole dun ka na sa kwarto ni Rain matulog. Okay lang ba?"
"Oo naman po tita" sagot ni Nicole.
"Dun na lang ako sa kwarto nila Kuya Jake"
"Matutulog daw sila Kuya mo dito. Dun ka na rin sa kwarto mo matulog para may kasama si Nicole"
Nagtinginan kami ni Nicole. Hindi ko alam kung anong reaksyon niya. Ewan ko ba kung okay lang sa kanya or hindi.
"Eh di dun na lang ako sa kwarto mo ma"
"Si Zoe ang katabi ko. Namimiss kita pero mas namimiss ko yung apo ko. Dun ka sa kwarto mo" sabi ni Mama.
"Uhm Niks" hindi ko pa nasasabi yung sasabihin ko bigla na niya akong hinila.
"Saan kwarto mo?" tanong niya.
Tinuro ko yung door sa gitna. Hinila niya ako papunta dun.
"Okay lang sayo? Dalawa tayo dito?"
"Oa mo. Mag-iinarte pa ba ako. Eh makikitulog lang naman ako" sabi niya sa akin.
Pumasok siya sa kwarto ko. Napatigil siya. Tinignan ko lang siya.
"Bakit?"
-------------------------
Nicole's POV
"Bakit?" sabi ni Rain sa akin.
Hindi ko inexpect na ganito yung kwarto niya. Ang dark. Yung paint ng walls niya dark gray. May para siyang sala sa right side ng room niya. Carpeted din yung floor. So kailangan mong tanggaling yung shoes mo pagpasok. Maluwang yung kwarto niya. Pero ewan ko ba. Parang ang lungkot ng ambiance.
"Nakakasad ba?" sabi niya ulit.
Tumango lang ako. Natawa siya.
"Ganyan din sinabi ni Mama nung pinalitan ko yung paint ng kwarto ko"
May nakita akong guitar sa gilid. Bigla kong naalala na may guitar din siya sa apartment niya.
"Hindi pa kita nakikitang nag-play ng guitar"
"Dahil hindi na ako naggigitara"
"But why?" sabi ko.
"Ayaw ko lang"
Obvious na ayaw niyang pagusapan kaya hindi na ako nagtanong pa.
BINABASA MO ANG
She's My Cold Coffee
RomanceIsang takot magtiwala at magumpisa. Isang takot makasakit at bumalik. At isang takot lumaban. Hanggang kailan ka matatakot? Anong kaya mong gawin at kalimutan para maging masaya? Mananatili ka na lang ba takot at magisa? Sino ka sa kanila?