Paglabas ko ng elevator nakita ko si Nicole na nasa tapat ng door ko. Nakatayo lang siya dun. May hawak siyang plastic. Parang ang lalim ng iniisip niya. Pero bakit naman sa door ko pa siya nagiisip? Parang tanga siya dun na nakatayo lang.
"May problema ka ba sa pintuan ko?"
Nagulat siya na nasa likod niya ako. Pinalo niya ako sa braso ko.
"Bakit ka ba nanggugulat?!"
Kelan ba siya hindi magsusunget?
"Ano ba kasing ginagawa mo dyan?"
Kinuha ko ung susi sa bag ko at binuksan ung door ko.
"Oh ayan" sabay abot niya sakin ng plastic na hawak niya.
"Ano to?" tanong ko.
"Tignan mo na lang"
Tinignan ko ung laman ng plastic na binigay niya. Pagkaen. Pagkaen lang pala. Akala ko naman kung ano.
"Pa-thank you ko sa ginawa mo kahapon" sabe ni Nicole.
"Kumaen ka na ba?" tanong ko sa kanya.
Tumango lang siya.
"Uhm, gusto mong pumasok? Beer muna tayo saglet"
Tinignan niya ako. Halata sa muka niya na nagdadalawang isip siya.
Ay nako. Dami pang arte eh.
Kinuha ko ung kamay niya at hinila siya sa loob.
"Pwersahan talaga ganon?"
Sus. If I know gusto din naman niya magbeer.
Hindi ko siya pinansin. Dumirecho ako sa kitchen at inayos ung food na dala niya. Kumuha din ako ng beer sa ref.
Inabot ko sa kanya ung beer at nilapag ung food sa table.
"May stock ka talaga ng beer noh?" sabe niya saken.
"Yan lang alam kong pangtanggal ng stress"
Buti naman at kahit paano nakakausap niya na ako.
Inoobserve ni Nicole ung apartment ko. Para namang first time niya pumunta dito.
"Honestly di ko ineexpek na malinis tong apartment mo"
"Seriously? Nagiging judgmental ka na naman ah" sabe ko.
"Guitar mo un? Nagpplay ka ng guitar?" tanong niya.
"Dati" simpleng sagot ko.
"Bakit dati lang? Hindi na ngayon?" medyo madame na siyang tanong ah.
"I don't play the guitar anymore. And wag mo na lang itanong kung bakit"
Ayoko ng pagusapan ung bagay na un. Wala akong balak magkwento sa kanya.
"Ikaw naman ngayon ang nagsusunget" sabay inom niya ng beer.
"Ayoko lang talaga pagusapan ung bagay na un"
Tinignan niya lang ako.
"What?" tanong ko.
"Hindi ako sanay na seryoso ka"
"Hindi rin ako sanay na mabaet ka" sabay asar ko sa kanya.
"And she's back"
-------------------------------
1:18 am na pala. Hindi namin namalayan ung oras. Pagtingen ko sa tabi ko, nakatulog na si Nicole. Medyo lasing na rin siya kanina. Kung ano ano na pinagsasabe eh. Namiss ko siyang kausap. Namiss ko siyang kasama. Kanina parang walang nangyare. Parang tulad pa rin kame ng dati. Pero alam ko bukas iba na naman. Bukas for sure medyo awkward na naman siya around me. Sana maging ok na kami. Ang pangit din naman ung nakikita ko siya everyday pero hindi kame nagpapansinan. Siguro pwede ko na ulit subukan na makipag ayos sa kanya.
BINABASA MO ANG
She's My Cold Coffee
RomanceIsang takot magtiwala at magumpisa. Isang takot makasakit at bumalik. At isang takot lumaban. Hanggang kailan ka matatakot? Anong kaya mong gawin at kalimutan para maging masaya? Mananatili ka na lang ba takot at magisa? Sino ka sa kanila?