Chapter 20 - Mali ba ako ng pagkakakilala kay Rain?

6.9K 156 1
                                    

Nicole's POV

I woke up feeling a little sad and lonely. Siguro dahil sobrang pagod ko kagabi. And dahil na rin siguro natulog ako na wala sa mood. Hayy, I don't like this kind of feeling.

Bumangon ako at naghilamos. I decided to make some coffee.

Knock! Knock! Knock!

Medyo nagulat ako. I'm not expecting anyone today. Lalo ng ganito kaaga.

Pag-open ko ng door may nakatayong tao tapos may paper bag sa mukha niya.

"Special delivery for Miss Elizalde" sabi niya

"Rain?"

Binaba niya ung paper bag, ayun na naman ung stupid face niya.

"Oh, chocolate muffins" sabay abot niya sa akin nung paper bag

"Para saan to?"

Pumasok na kami sa loob. Dumirecho siya agad sa kitchen.

"Eh baka kasi wala ka pa rin sa mood"

Nakatingin lang ako sa kanya.

"Obvious naman na hindi ka ok kagabi. So I brought you some muffins to cheer you up"

Minsan talaga kahit ang kulit ni Rain, may mga times talaga na sweet siya eh. Dinadaan niya lang sa biro ung pagiging caring niya.

Dumirecho siya sa kitchen.

Tinuloy ko yung pagtimpla ng coffee ko.

"You want one?" tanong ko

"Yes please"

Nakaupo na kami ngayon sa dining area.

"So ok ka na ba? O wala ka pa rin sa mood?"

"Ok naman ako eh" I lied. Ewan ko ba kung bakit pero nawala talaga ako sa mood kagabi.

"Liar. Obvious na obvious sa muka mo kagabi na badtrip ka. Ang haba haba ng nguso mo" sabay tawa niya

"Ang aga aga Rain ah. Inuumpisahan mo na naman ako"

Biglang nag-ring yung phone niya. Tinignan lang niya. Hindi niya sinagot yung tawag.

"Are you not going to answer that?" tanong ko

Tinignan ko yung phone niya. Sarah yung name ng tumatawag.

"It's not that important" sabe lang niya

"Hindi ba siya yung ex mo?"

Tumango lang siya.

"Is she back?"

"Maligo ka na" biglang sabi niya.

"Huh?"

"I said maligo ka na. Go!"

Para niya na akong pinapalayas sa dining area.

"Bakit ba? Pabigla bigla naman to oh" sabi ko sa kanya

"Matigas din talaga ulo mo noh?"

"Eh kung sana kasi sinasabi mo kung bakit mo ko pinapaligo" sabi ko

"We're going out ok? Kaya ligo na!"

"Fine! Magcoffee lang muna ako!"

Pagkainom ko ng coffee ko, malamig na.

"Malamig na rin diba?" sabi ni Rain

"Yeah. Sayang. You owe me a coffee"

"I'll buy you one paglabas natin. Now please, can you take a bath na?"

She's My Cold CoffeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon