Nicole's POV
Bigla kong naisipan ngayon na magdesign. Ewan ko kung bakit pero bigla ko lang gustong magdesign ng kung ano ano. Nag-iinventory ako kanina ng mga sales ng resto. Pero hindi nakikisama yung utak ko. Somehow, pag nagddraw ako or nagdedesign sobrang ginaganahan ako.
Nagulat ako nung biglang may kumatok sa door ko. Nalaglag ko pa tuloy yung pencil ko. I'm not expecting anyone right now. Sino naman kaya to?
"Hello Nicole" sabi niya. Sobrang nakasmile siya.
"Uhm oh. Uhm hi Tita" nauutal pa ako sa gulat ko.
Bigla niya akong niyakap.
"Kamusta ka na?"
"Okay lang po ako. Ano pong ginagawa niyo dito?" tanong ko habang naglalakad kami papuntang sala.
"Dinalaw ko kasi si Rain. Pero paalis na rin ako ngayon. Wala kasing naiwan sa bahay. Dumaan lang ako para makita ka at ibigay tong pasalubong ko sayo"
Inabot niya sa akin yung paper bag.
"Thank you Tita. Hindi ka na dapat nag-abala"
"Konting pasalubong lang yan Nicole"
"Do you need anything Tita? Juice or coffee?"
sabi ko."Hindi na. Ihahatid na rin ako ni Rain mamaya sa airport"
Umupo kami pareho sa sofa.
"Kamusta ka?"
Hindi ko alam kung paano sasagutin yung tanong niya.
"Can't you stay a little longer Tita? Papasyal kita sa resto namin"
Iniba ko na lang yung usapan.
"Nakapagbook na rin ako ng flight ko. Pero promise pag balik ko dito, mas magtatagal ako. Biglaan lang din kasi pagpunta ko dito"
Bigla na siyang tumayo. I guess idadaan lang nga talaga niya yung pasalubong niya.
"Dahil po ba sa Papa ni Rain?"
Nagsmile siya sa akin.
"Sorry po. Nakita ko po kasi sila" sabi ko.
"It's ok.ay Hindi pa rin kasi napapatawad ng anak ko ang Papa niya. You see Nicole, ang dami na rin pinagdaanan ni Rain. At alam kong yung Papa niya ang naging dahilan kung bakit siya naging ganun. But she's a good person"
Naglakad kami papunta sa pintuan. At niyakap niya ulit ako.
"And she's worth it, Nicole" bulong sa akin ni Tita.
Nagsmile siya sa akin at saka siya bumalik sa apartment ni Rain.
Nakatayo lang ako dun sa door. Bigla akong napaisip. I need to talk to her.
I need to talk to Belle.
-------------------
Pagpasok niya ng resto dun ko lang narealize kung gaano ko siya namiss. Pagkakita niya sa akin napangiti siya. Makikita mong masaya siya na nakita niya ako. Lumapit siya sa table kung saan ako nakaupo.
"Hi" sabi niya. Medyo nagaalangan pa siya. Halatang medyo awkward para sa kanya. Sa akin din actually. Hindi ko alam kung ihuhug ko siya or what.
"Hi" sabi ko na lang. Tapos umupo na ako ulit. Umupo na rin siya sa tapat ko.
"I'm glad you called Nikki"
Nikki ang nickname niya sa akin. Elementary pa lang friends na kami ni Belle. Pero nung after grad pumunta sila ng family niya sa San Francisco. Nung 3rd highschool na kami nung nagdecide yung parents niyang bumalik sila ng Pilipinas. After nun hindi na kami mapaghiwalay. And nung college kami naging sila ni Ethan. Matagal rin sila. Umabot ng years. Hanggang sa nagulat na lang ako na nakipagbreak si Belle sa kanya. And sinabi sa akin ni Ethan na iniwan niya siya para sa isang kapwa niya babae. Never niyang naopen sa akin na bisexual pala siya.
Nagalit ako sa kanya dahil sa ginawa niya kay Ethan. 3 years kaming hindi nagusap. Hindi nagkita. Pero ngayon, wala akong choice. Wala akong ibang makausap. I know that I can talk to Max about Rain. But she wouldn't understand. Belle will know dahil siya ang dumaan sa ganito.
"I just want to make it clear, I'm still mad at you"
"It's fine. I'm just happy that you called and you wanted to meet"
"May gusto lang akong tanungin" sabi ko.
"You can always ask me anything Nikki"
Hindi ko alam kung paano sasabihin. I didn't see her for three years. I can't just ask her kung paano niya nagawa. I have so many questions in my head right now. But I don't know how to ask her.
"This is a bad idea"
Nagtataka siya.
"Nikki please. Andito na tayo. Talk to me"
"No. I mean meeting here. I have a better idea"
Bumili kami ng beer sa grocery store at pumunta kami ng apartment.
"So you're being independent na?"
Nakaupo kami ngayon sa carpet at umiinom na ng beer.
"You don't have any idea kung gaano ko pinilit si Mommy na payagan na akong kumuha ng sarili kong apartment"
"Actually I can imagine. Kilala ko si Tita remember? Ganun pa rin ba siya?"
"Yeah. Actually mas grabe na siya ngayon. After what happened between you and Ethan, halos isumpa niya lahat ng gay sa mundo"
Tahimik lang siyang nakikinig sa akin.
"She even let me and Max hate people like you. And honestly I did. It wasn't hard for me to hate them. I just had to think yung ginawa mo sa kapatid ko"
"Nikki"
Hindi ko siya hinayaan na ituloy yung sasabihin niya.
"I let my Mom control me. She wanted me to hate someone without even knowing them. She wanted me to hate people like you"
Kinuha ko yung beer at ininom ko.
"You know what's funny? When she has no idea that her own daughter is turning into someone she hates the most"
Tinignan ko si Belle. Gulat na gulat siya sinabi ko.
And suddenly bigla ko na lang nafeel na ngayon yung tamang oras para aminin sa sarili ko yung totoo.
"I'm gay Belle"
BINABASA MO ANG
She's My Cold Coffee
RomanceIsang takot magtiwala at magumpisa. Isang takot makasakit at bumalik. At isang takot lumaban. Hanggang kailan ka matatakot? Anong kaya mong gawin at kalimutan para maging masaya? Mananatili ka na lang ba takot at magisa? Sino ka sa kanila?