Nicole's POV
"I'm sorry Niks. But I'm falling in love with you. And you just have to deal with it"
Nung sinabi niya yun hindi ko na napigilan. Umalis ako sa harap niya at umupo sa bed.
No, Nicole. Pigilan mo yung sarili mo. Alam mong hindi pwede. Alam mong hindi tama.
"Niks please say something" nakaluhod siya sa harap ko.
Hindi ko na rin talaga mapigilang umiyak.
Tinignan ko siya. I'm doing everything I can para pigilan yung sarili ko. Nakita kong umiiyak na rin siya. Pinunasan ko yung luha niya at hinawakan yung mukha niya.
"You know this isn't right, Rain"
"Then look me in the eye at sabihin mo sa akin na wala kang nararamdaman sa akin"
Tumayo ako. Kailangan ko na talaga siyang iwasan. Natatakot ako na hindi ko mapipigilan yung sarili ko.
"Rain tumigil ka na"
"Hindi Niks. Hindi ko na kaya. At alam mong hindi ko ginusto to. Actually this is your fault"
Bigla akong tumingin sa kanya. Tarantado din talaga tong taong to eh.
"At ako pa ang may kasalanan?"
"Kasalanan mo naman talaga. Kung hindi mo nahulog yung shoes mo nun, hindi ko pupulitin at hindi kita makikilala. Tapos naging close tayo. Kaya nung naging close tayo at mas nakilala kita, unti unti na akong nagkagusto sayo. Ni hindi ko nga alam kung kailan nagstart eh. Tapos kasalanan mo pa na ang ganda mo tapos mabait ka pero minsan masungit at nakakairita ka. Parang ngayon"
Lumapit ako sa kanya at binatukan ko siya.
"Gago ka rin talaga noh?"
Tumawa siya bigla.
Bigla siyang tumawa. Kanina lang umiiyak kami. Pero ngayon medyo natatawa na ako sa kanya.
"Uy ngumingiti na siya"
Nang-aasar na naman siya.
"Tumigil ka nga Rain"
Bigla niya akong niyakap. Tinatry kong pumiglas sa yakap niya pero ayaw niya akong pakawalan.
"Kalma lang Elizalde. I'm not asking you for anything. Sinabi ko lang yun dahil yun yung nararamdaman ko. And hindi ko na napigilan yung sarili ko. It's not like I'm proposing to you or something. Bata pa ako"
Natawa ako sa kanya. You see, here's the thing. Seryoso na yung usapan namin pero nagagawa pa rin niyang magbiro. Napapatawa pa rin niya ako kahit na sa ganitong sitwasyon.
"I'm not pressuring you into something na alam kong hindi ganun kadali. And remember I told you na magiging honest ako sayo at never akong magsisinungaling"
"I don't know what to say Rain"
"You don't have to. Alam ko pwedeng maging awkward pero I'll do my best na maging tulad pa rin tayo ng dati"
Inalis niya yung hug niya sa akin at hinawakan niya yung kamay ko.
"Get some rest. Medyo nakarami ka rin ng inom. Dun ka na sa bed. Dito na ako sa sofa"
---------------------
Rain's POV
Hindi ako makatulog pagkatapos nung nangyari. I just told Nicole that I'm falling in love with her. Wow. Ang sarap pala sa pakiramdam pag natanggap mo na sa sarili mo yung ang tagal mo ng binabalewala. I'm falling in love with her. I'm falling in love with Nicole. Hindi ko mapigilang mapasmile habang inuulit ulit ko sa utak ko. Para akong teenager.
Tinitignan ko lang siya habang natutulog. Parang medyo creepy naman tong ginagawa ko.
Pero bigla akong nalungkot. Paano kung maging awkward na siya sa akin? Paano kung iwasan niya ako after nung sinabi ko? Oh Rain! Mali ba yung ginawa ko? Did I just make things complicated? Paano kami bukas? Eto na nga ba sinasabi ko eh! Kasalanan ng beer to. Nagkalakas tuloy ako ng loob. Ayan! Namomoblema tuloy ako.
-------------------------
Bigla akong nagising dahil sa phone ko. Tinignan ko kung sino yung tumatawag. Si Xavier lang pala. Nakita ko yung oras. 10:38 am na. Hindi ko na sinagot yung tawag ni Xavier. Tatawagan ko na lang siya later. Bumangon ako at dumirecho sa banyo.
Bigla kong naalala yung nangyari kagabi. Si Nicole. Lumabas ako ng banyo para tignan siya sa bed. Wala siya dun. Tinignan ko yung mga gamit niya. Andun pa.
"Thank you, Mr. Jesus, hindi siya umalis" sabi ko habang nakapikit.
"Anong ginagawa mo?"
Pagdilat ko, nasa door si Nicole.
"Nagdadasal"
"Marunong ka pala niyan" sabi niya sa akin.
Okay, so far nagbibiro siya so ibig sabihin ok kami.
"Ang late mo nagising ah" sabi niya ulit.
"Hindi ako makatulog kagabi eh"
Natahimik siya. Uh-oh, baka maging awkward.
"Ako naman nakatulog nga agad pero nagising din ako ng maaga"
"Bakit ka nga ba nagising ng maaga?"
"Dahil kahit sa panaginip ko naririnig ko yung sinabi mo sa akin kagabi" sabi niya habang kumukuha siya ng damit niya.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya.
"So, napapaginipan mo ko?"
Lumingon siya sa akin. Nagulat siya na malapit na pala ako sa kanya. Medyo napaatras siya.
"Wag ka ngang feeling dyan Rain"
Namumula na naman siya.
"Naalala mo pa lahat ng sinabi ko sayo kagabi?"
Tumango lang siya.
"I meant it Niks. Lahat ng sinabi ko totoo"
Nagsmile siya sa akin. Okay Rain that's a good thing.
"I know Rain. The thing is napapasaya mo rin ako. Sobra. To be honest, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. But I know na meron. I just want to figure this out. Kasi hindi pa naman nangyari sa akin to. I mean I have a lot of girl friends. But with you, it's different. Siguro dahil ikaw lang ang lesbian na kaibigan ko. Ewan ko. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung anong nafifeel ko"
Hinawakan ko yung kamay niya. Para kahit paano kumalma siya.
"Niks, it's fine. We'll figure this out okay?"
Bigla niya akong niyakap. Mas matangkad ako sa kanya kaya yung ulo niya nakasandal sa dibdib ko.
"Ang bilis ng heartbeat mo. Rinig na rinig ko" sabi niya.
"You're exciting me"
Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hinalikan sa cheeks. Sabay smile niya sa akin after.
"Maliligo na ako. Magbreakfast ka na sa labas, batugan"
Hindi na ako nakasalita. Para akong tanga na nakatulala lang dun. Umalis na siya sa harap ko at pumasok na siya sa banyo. Hindi ko napigilan na mapasayaw sa kilig. Ngayon ko lang ulit naramdaman to.
BINABASA MO ANG
She's My Cold Coffee
RomantikIsang takot magtiwala at magumpisa. Isang takot makasakit at bumalik. At isang takot lumaban. Hanggang kailan ka matatakot? Anong kaya mong gawin at kalimutan para maging masaya? Mananatili ka na lang ba takot at magisa? Sino ka sa kanila?