Rain's POV
"Goodmorning Ma" kiniss ko siya sa cheek.
"Goodmorning Nak. Paano napunta yung sofa dito sa likod?"
Nakalimutan pala naming ibalik yung sofa sa loob.
"Nilabas namin ni Nicole kagabi. Nanood kasi kami ng movie"
"Kamusta pala yung surprise sayo ni Nicole?"
Nagsmile lang ako sa kanya.
"Sus. Alam ko yang mga ngiti na ganyan. Kwentuhan mo naman si Mama"
"I'm happy, Ma. Masaya lang talaga ako ngayon"
Bigla niya akong niyakap.
"Keep that smile. Bagay sayo yan"
Naalala ko bigla yung itatanong ko sana sa kanya.
"Ay Ma, nasaan pala yung susi nung kubo?"
"Nasa Kuya mo. Bakit? Pupunta kayo dun?"
"Oo sana Ma. Gusto kong idala si Nicole"
"Tignan mo na rin yung kubo kung maayos pa. Ang tagal na rin namin hindi nabibisita yun"
Gusto ko lang din kasing bumawi kay Nicole sa surprise niya sa akin kagabi. Meron kasi kaming kubo sa tabi ng dagat. Medyo malayo ng konti dito sa amin saka sobrang paloob. Kaya hihiramin ko na lang yung sasakyan ni Kuya Jake.
"Sige Ma. Antayin ko lang na magising si Nicole"
"Nagpuyat ata kayo kagabi eh. Inubos niyo pa yung ice cream sa ref"
Bigla akong napasmile dahil naalala ko yung mga nangyari kagabi. Nakalimutan ko na kung paano yung feeling na ganito. Yung mapapangiti ka na lang kapag naaalala mo yung mga nangyari.
11:39 AM
Pagpasok ko ng kwarto gising na si Nicole. Pero nakahiga pa rin siya. Nakasmile lang.
"Mukha kang ewan dyan"
Nagulat siya sa akin. Hindi niya ata namalayan na pumasok ako.
"Gusto mo na naman atang masapak sa mukha eh. Wag ka kasing nanggugulat"
Tumabi ako sa kanya.
"Ligo ka na. Malapit na tayong mag-lunch. Tapos aalis tayo after"
"Saan tayo pupunta?" tanong niya.
"Basta maligo ka na"
-----------------
Nicole's POV
Hindi ako alam kung anong isusuot ko. Hindi naman sinabi ni Rain kung saan kami pupunta. Nagpangbahay na lang muna ako.
Pagkatapos kong magbihis, dumirecho na ako sa dining area. Ngayon ko lang nafeel yung gutom ko. Ang late ko na rin kasing nagising.
"Morning" sabi ko kay Tita at Rain.
"Afternoon"
Tinignan ko ng masama si Rain.
"What? Past 1 na so hapon na"
At ayaw pa niyang tumigil ah.
"Tama na yan. Kumain na kayo. Para makaalis na kayo agad" sabi ni Tita.
"Saan ba kasi tayo pupunta?"
Nagsmile lang siya sa akin. Inaasar talaga ako nito.
----------------------
Nasa sasakyan kami ni Rain ngayon. Hindi pa rin niya sinasabi sa akin kung saan kami pupunta. Sinabi lang niya na magdala ako ng pang-swim ko.
Tinignan ko si Rain. Gustong gusto ko pag nagddrive siya. Ang seryoso lang niya tignan. Sobrang nagcoconcentrate siya sa daan. Tapos ang cute din niya ngayon. Naka-plain white shirt siya tapos pinatungan niya ng button down shirt na long sleeves. Tapos nakashorts siya and then yung vans niya na slip ons. And naka-cap siya ngayon. Na sobrang cute tignan sa kanya. That's the thing with Rain, parang kahit anong isuot niya bagay.
"You know it's rude to stare"
"I'm not staring"
"Liar"
"Fine. Ang cute mo lang kasi ngayon"
Pero nakatingin ako sa window nung sinabi ko. Medyo nahiya ako.
Kahit hindi ko nakikita, alam kong nakasmile siya.
"Thanks. Ikaw rin, ang ganda mo ngayon"
Hindi ko pa rin siya tinitignan.
"Lagi naman" sabi niya ulit.
Uminit yung muka ko. I'm sure namumula na naman ako.
Tinitignan ko yung mga nadadaanan namin. Wala na kaming nadadaanan na mga bahay. Puro bundok at puno na lang nakikita ko. And biglang ang lamig na nung hangin.
"Saan ba talaga tayo pupunta? Rain, wala na akong nakikitang mga bahay ah"
Tumingin siya sa akin. Alam mo yung tingin na parang may masamang balak. Ganun yung tingin niya sa akin.
"Hoy umayos ka ah! Mukha lang akong lampa pero kayang kaya kita"
Bigla siyang tumawa.
"Relax Elizalde. Look" sabi niya sa akin.
"Huh?"
"Alam kong gustong gusto mong tinitignan ako pero tingin ka sa harap"
Hindi ko mapigilan na mapa-smile. Ang ganda. Nagulat ako na may beach pala dito. I mean puro bundok at puno yung nakikita ko kanina tapos may biglang ganito. Nakita ko na malapit na lumubog yung araw.
"Rain bilisan mo. Gusto kong makita yung sunset"
Sobrang naeexcite ako. Gusto ko na nasa dagat na kami bago mawala yung sun.
"Rain!"
"Wait. Baka naman madisgrasya tayo"
After kong sobrang kinulit si Rain na bilisan niya, umabot rin kami. Pagkapark pa lang niya ng sasakyan bumaba na agad ako. Tumakbo ako papunta sa may dagat.
"Woah. Ang ganda" sabi ko. Sobrang hinihingal pa ako.
"Ang daming may ayaw ng kulay na orange. Pero ako gusto ko. Gustong gusto ko yung kulay ng sunset" sabi ni Rain. Ang seryoso lang niya.
Hinawakan ko yung kamay niya. Dati medyo nagugulat siya pag ginagawa ko to. Pero ngayon nakatingin lang siya sa may dagat. Sinandal ko yung ulo ko sa shoulder niya.
"Thank you" sabi ko.
"For what?"
"For this" sabi ko lang.
"Hindi lang ikaw ang marunong magsurprise"
"You are actually full of surprises Rain Delgado"
"Bakit naman?" tanong niya.
"Meron palang ganito dito sa inyo" sabi ko na lang.
"Tara?"
Tumalikod siya sa harap ko tapos yumuko siya.
"Sakay" sabi niya.
Sinunod ko na lang siya. Sumakay ako sa likod niya.
"Wow. Ilang plato kinain mo ngayon? Parang busog na busog ka ah"
Pinalo ko yung likod niya.
"Ready?"
"Huh?"
Bigla na siyang tumakbo papunta dun sa may tubig.
"Rain! No! Hindi pa ako nagbibihis!"
Pero wala siyang paki at dumirecho lang siya. Sumigaw na lang ako. Habang siya tawa ng tawa. Bigla pa niya akong binagsak sa tubig.
BINABASA MO ANG
She's My Cold Coffee
RomanceIsang takot magtiwala at magumpisa. Isang takot makasakit at bumalik. At isang takot lumaban. Hanggang kailan ka matatakot? Anong kaya mong gawin at kalimutan para maging masaya? Mananatili ka na lang ba takot at magisa? Sino ka sa kanila?