Rain's POV
"So paano mo nakilala si Emily?" tanong ni Nicole. Andito na kami sa apartment ni Ems. Kumakain. Sabi niya na gusto niyang malaman ang story ko. Kaya sinabi ko na lang na magtanong lang siya at ittry kong sagutin lahat.
"2 years ago. Nung bagong lipat ko dito. Nagkakilala kami sa rooftop"
"Anong nangyari sa kanya Rain?"
"Leukemia. Nalaman namin last year. She went through chemotherapy. Pero nung June umayaw na siya. I was really mad at her nung time na yun. Kasi gusto kong gawin namin lahat ng paraan para gumaling siya. Pero nakita kong nahihirapan na siya nun. Tinigil namin yung treatment"
"I can't imagine kung anong nafifeel mo ngayon. Na mawalan ng girlfriend" sabi ni Nicole.
"Emily was never my girlfriend. Hindi naging kami. But we both know na mahal namin ang isa't isa. Pero I always knew na may isang tao siyang sobrang minahal"
"Sino?"
"I don't know. Never niyang nasabi sa akin kung sino. Pero lagi niya siyang nakkwento sa akin"
"Eh si Sarah?" tanong na naman niya.
Hindi ko siya sinagot.
"Rain!"
"Ang dami mo ng natanong. Next time na yung iba" sabi ko sa kanya.
Tumayo ako at nilinis ko na yung pinagkainan namin.
"Tara na?" sabi niya.
"Hindi ka pa ba inaantok?"
"Kanina. Pero nawala na antok ko eh. Tara sa apartment"
Tinignan ko siya. Nakasmile ako habang lumalapit sa kanya.
"Anong ginagawa mo?" para siyang kinakabahan. Umaatras siya hanggang sa nakadikit na siya sa wall.
"Rain isa"
"Anong gagawin natin sa apartment mo?" nasa harap niya na ako. Dahan dahan ko pang nilalapit yung mukha ko sa kanya.
"Huh? Eh... uhm.. manonood..." nauutal na siya.
Ang sarap talang asarin ng babae na to.
Bigla akong tumawa.
"Nakita mo sana yung muka mo!" sabi ko sa kanya. Sobrang tawa ko pa rin.
Bigla niya akong sinuntok sa tyan. Saka siya lumabas ng apartment ni Ems.
"Uy Niks! Joke lang!"
Nilock ko yung door at saka ko siya hinabol. Nasa elevator na siya. Nakasimangot. Sobrang seryoso ng mukha.
"Niks"
Hindi niya ako sinasagot.
"Sorry na. Joke ko lang naman yun eh. Wag ka ng magalit"
Lumabas na kami ng elevator pero hindi pa rin niya ako kinakausap. Lagot na.
Papasok na dapat siya sa apartment niya pero hinila ko siya sa akin. Muntik pa kaming matumba. Pinalo na naman tuloy niya ako.
"Sorry na kasi. Binibiro lang naman kita eh" nagpapa-awa na ako sa kanya.
"Oo na!" pasungit niyang sabi.
"Nagsusungit ka naman"
"Tigilan mo ko Rain ah"
Natawa lang ako. Hindi ko alam pero bigla akong may naisip.
"Uhm Niks busy ka ba next week?"
"Next week? Ewan ko pa. Pero for sure sa resto lang naman ako. Why?"
BINABASA MO ANG
She's My Cold Coffee
RomanceIsang takot magtiwala at magumpisa. Isang takot makasakit at bumalik. At isang takot lumaban. Hanggang kailan ka matatakot? Anong kaya mong gawin at kalimutan para maging masaya? Mananatili ka na lang ba takot at magisa? Sino ka sa kanila?