Pag gising ko ang bigat bigat ng pakiramdam ko. At hindi ko alam kung bakit. Parang ang lungkot ko. Pero wala naman akong dahilan para maging malungkot. Siguro namimiss ko lang si Ems. 1 month na rin simula nung nawala siya. Pero araw araw pumupunta pa rin ako sa apartment niya. Tuwing 6 pm andun pa rin ako. Nirerent pa rin ng mama niya ung apartment. Hindi pa din daw sila ready na pakawalan un. Minsan dumadalaw pa rin sila.
Halos mag iisang buwan na din simula nung last kameng nag usap ni Nicole. Nagkakasalubong kame minsan sa hall. Ni hindi ko na rin magawang tignan siya. Bakit pa di ba? Hindi naman na kame friends.
Saturday ngayon kaya walang work. Nakakatamad gumalaw. Bigla kong nakita ung gitara ko. Ang tagal na rin simula nung last kong ginamit un. Hindi naman kase ako magaling tumugtog. Marunong lang. May mga ilan din akong kanta na alam iplay. Pero ung mga basic lang.
Knock! Knock! Knock!
Sino naman kaya to?Tumayo ako at binuksan ung door.
"Hi" nakasmile na sabe ni Meg.
"Hi" medyo nagulat ako na andito siya. Usually kase magtetex siya pag pupunta siya. These past few weeks kase napapadalas ung punta niya dito. O kaya ako pumupunta sa kanila. Meg knows kung ano lang ang meron kame. At un ay sex lang.
"Hindi ka nagsabe" sabe ko sa kanya.
Hindi siya sumagot at hinalikan ako sa lips. At gumanti naman ako.
Biglang bumukas ung door ni Nicole, palabas siya ng apartment niya. Nakita niya kameng nagkikiss.
Tumigil ako at tinignan si Nicole. Nakatingen lang siya saken. Walang reaksyon ung muka niya. Napatingen si Meg sa kanya.
Hinila ko si Meg sa loob at hinayaan na si Nicole sa labas.
-----------------------
"So may fucking buddy ka na?" tanong ni Sid.
Andito ako ngayon sa apartment nila ni Ayen. Namimiss na daw nila ako. Pero if I know gusto lang nilang magpainom ako.
"Yap" simpleng sagot ko.
Nag apir ung dalawa at sobrang lake ng mga ngiti nila.
"Para kayong mga tanga" sabe ko sa kanila.
"We're just happy for you. Sa wakas! Akala namin nag give up ka na sa love"
Muntik ko mabuga ung iniinom kong beer.
"Woahh! Wait lang! Who said anything about love?!" gulat na gulat ako sa sinabe ni Sid.
"So you mean sex lang ang habol mo sa kanya?" tanong ni Ayen.
"Yes! She knows na hanggang dun lang. And she's fine with it"
At mas lalong natuwa ung dalawa. Alam kase nila na hindi ako ung ganung tipo. Seryoso kase ako pagdating sa relationship. Hindi ako marunong makipagflirt lang. Hindi kase ako sobrang confident. Kaya ung samen ni Meg, first time kong matry ung ganitong set up. Malayo sa kung anong meron kame ni Ems nun. Seryoso ung samen, hindi lang talaga kame nagcommit sa isa't isa.
--------------------------
BINABASA MO ANG
She's My Cold Coffee
RomanceIsang takot magtiwala at magumpisa. Isang takot makasakit at bumalik. At isang takot lumaban. Hanggang kailan ka matatakot? Anong kaya mong gawin at kalimutan para maging masaya? Mananatili ka na lang ba takot at magisa? Sino ka sa kanila?