"Ems she's back. Hindi ko alam gagawin ko"
Andito ako ngayon sa apartment ni Emily. Araw araw pa rin akong pumupunta dito.
"I know na sinabi mo sa akin na kailangan ko siyang harapin. Pero nung nakita ko siya, bumalik lahat. Lahat ng ginawa niya. Lahat nung sakit. Sana andito ka. You always know what to say to make me feel better"
Wala pa rin nagbago sa apartment niya. Wala kaming ginalaw ni isang gamit. Pumasok ako sa kwarto niya. Andun pa rin ung mga paintings niya. Artist kasi si Emily. Ayaw niya aminin pero magaling talaga siya. Sa may pinakalikod ng mga paintings niya may mga nakahiwalay. Nakabalot tapos may initials na A.C. Ngayon ko lang nakita to ah. Wait, hindi kaya siya ung sinasabi ni Ems?
---------------------------------
Ready na akong makipagusap - Rain Delgado
Nakapagdecide na akong makikipagusap ako kay Sarah kaya tinex ko na siya.
Thank you. Pwede ba kitang puntahan dyan later? - Sarah De Leon
Actually I think it's better na dito nalang tayo sa apartment magusap - Rain Delgado
Sure. I'll bring food. What do you want? I can buy your fave. Buttered shrimp pa rin ba? - Sarah De Leon
Ikaw bahala. Punta ka nlng ng mga 7. Sige - Rain Delgado
Thank you :) - Sarah De Leon
-----------------------------------
6:47 pm
Kagagaling ko sa apartment ni Ems. Sobrang nacucurious ako sa nakita ko kahapon na initials. Meron kasi akong nakita na painting niya noon. Pero hindi ko na gaanong maalala. Hindi niya na kasi pinakita sa akin dati. Ang alam ko may pinapaint siya noon pero never niya pinakita sa kahit na kanino. Ewan ko kung bakit.
Paglabas ko ng elevator andun na si Sarah sa door ko.
Naglakad ko papunta sa kanya.
Tinignan ko ung oras sa watch ko.
"Ang aga mo naman" habang hinahanap ko yung susi ko.
"Ayaw kong pagantayin ka eh" sagot niya.
"Apartment ko to. It means hindi ko kailangan magantay" medyo masungit kong sabi.
Hindi na siya sumagot at sumunod siya sa akin sa loob.
Dumirecho ako sa kwarto at nagpalit ng pangbahay. Umupo si Sarah sa sofa sa sala.
"Gusto mo ba ng beer?" tanong ko sa kanya habang tinitignan ko yung laman ng ref.
"Yes please" sagot niya.
Kumuha ako ng dalawang beer sa ref at pumunta sa sala.
Inabot ko sa kanya ung isang beer tapos nagdecide akong umupo sa tabi niya.
"How are you?" tanong niya.
"Confused" simpleng sagot ko.
Napatingin siya sa akin.
"Why?"
"Coz I don't get why you suddenly decided to show up infront of my apartment. Bigla ka na lang andito"
Tinignan ko siya at inaantay ko ang sagot niya.
Binaba niya ung beer niya at humarap sa akin.
"I'm sorry" nakatingin lang siya sa akin nung sinabi niya yun.
"You're 7 years late for that" sabay tungga ko ng beer. Halos ubusin ko na ung isang bote.
Hindi siya nagsalita.
Tumayo ako at kumuha ulit ng beer.
"Bakit ka ba nagpakita ulit?" tanong ko.
"Dahil narealize ko na lahat ng ginawa ko sayo Rain. I was young and naive. Sobrang hindi ako nagiisip noon" nakatayo na siya habang nageexplain.
Hindi ako sumagot. Ni hindi ko siya matignan.
"Rain I'm sorry. Alam ko sobra kitang nasaktan. And hindi ko na mababalik yun. All I can say is I'm sorry. Sorry. I'm so sorry" nagstart na siyang umiyak.
"You can't just show up, say sorry and expect me to just forgive you" medyo naiinis na ako.
"I know. Alam kong hindi mo ko basta bastang mapapatawad. But please Rain give me a chance na bumawi sayo"
Hinarap ko siya. Nagulat ako sa sinabi niya.
"Chance?! Are you f*cking kidding me? Unbelievable!" tumungga na naman ako ng beer. Tumataas na ung emosyon ko eh.
"Rain please. Ganito ka na ba katigas? Wala na ba ung dating Rain na kilala ko?"
"How dare you! You think you still have the right to ask me that? Sarah you destroyed me! Hindi mo alam ang pinagdaanan ko para lang maging ok ako. And yes! Ganito na ako katigas. Hindi ka ba proud? This is all because of you! You made me into this!"
Ngayon lang ulit ako nagalit ng ganito. Lahat lahat ng sakit at galit na naramdaman ko sa kanya noon, bumalik lahat.
Umupo siya sa sofa. Umiiyak. Uminom na naman ako ng beer. Wait, baka malasing ako nito.
"7 years Rain. It took me 7 years para magkaroon ng lakas ng loob para harapin ka. I was a coward. Natakot akong harapin ka dahil alam ko kung anong nagawa ko sayo. And I will not make an excuse for what I did. Tinatanggap ko lahat ng pagkakamali ko"
Tinabihan ko siya sa sofa. Medyo kumalma na ako.
"One day I woke up and bigla ko na lang narealize na kailangan kitang makita. Kailangan kitang makausap. Kailangan kong magsorry. I didn't think it through Rain. Basta inalam ko kung saan ka nakatira. Ni hindi ko na inisip mga sasabihin ko. Kasi wala naman akong ibang dapat sabihin kundi sorry. I am genuinely sorry sa lahat ng nagawa ko sayo"
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Alam kong darating tong time na to. Pero hindi ko na inisip kung anong gagawin ko kung sakali. Matagal ko na siyang kinalimutan. Matagal ko ng tinakbuhan ung nakaraan namin. Ngayon na andito na siya sa harap ko, wala na akong choice kundi harapin ung ngayon.
"I know that you're sorry. But Sarah I don't think I can trust you again. Tinatanggap ko ang sorry mo, pero hanggang dun na lang yun. I don't want anything to do with you. Ngayon na nasabi mo na ung gusto mong sabihin, I think yun na yun. Hindi na natin kailangan maging friends ulit. Hindi na natin kailangan magusap pa"
Bigla niya akong niyakap. Umiiyak pa rin siya.
BINABASA MO ANG
She's My Cold Coffee
RomanceIsang takot magtiwala at magumpisa. Isang takot makasakit at bumalik. At isang takot lumaban. Hanggang kailan ka matatakot? Anong kaya mong gawin at kalimutan para maging masaya? Mananatili ka na lang ba takot at magisa? Sino ka sa kanila?