Autumn's pov
Maaga akong nagising. Siguro ay nasanay na sa palaging morning flight ko simula noong pumasok ako sa airline.
Wala tuloy akong ginawa mag-hapon kundi mag-exercise, manood, at matulog habang naghihintay sa oras ng flight ko.
Mamayang seven pm pa naman ako aalis dahil sasabay ako kay Kiella, ‘yung kaibigan kong flight attendant din.
Binabagabag pa rin ako nang nadatnan ko kagabi sa restroom sa bar. Ayon ang unang beses kong makakita ng ganong eksena.
Dumapo ang tingin ko sa cellphone ko nang bigla etong tumunog. Tumatawag ang asawa ko.
Agaran ko etong sinagot dahil namimiss ko na rin siya. Ilang araw na rin kaming hindi nagkikita.
"Hi!" Bati ko agad dito habang kumakain.
"Hindi ka umuwi?" Tanong neto sa kabilang linya.
Kumunot agad ang noo ko dahil parang lasing eto.
"Hindi. Lasing ka ba?"
"Kailan ka uuwi?"
"Hindi ko pa alam, occupied na kasi schedule ko, hon e. May flight din–"
"okay." Kasaboy non ang pagpatay ng tawag.
‘Yun na ‘yon? Wala man lang kamusta ka, or sweet messages?
Dismayado kong binalik ang cellphone ko sa lamesa at tinuloy na lang ang kain.
Matagal nang ganon ang asawa ko pero hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako sanay hanggang ngayon.
Parang hindi siya ang lalaking ginusto ko, ang pinakasalan ko.
ALAS SAIS na ng mag-ayos ako para sa flight ko isang oras mula ngayon.
Nagma-make up pa lang ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Senyales na may tumatawag.
Nang makita kong si Kiella iyon ay agad kong sinagutan.
"Hi, punta na ako diyan?" Bungad neto sa kabilang linya.
"Huh? Wait lang, nagaayos pa ako" Sagot ko habang naga-apply ng foundation.
"Okay lang. Wait kita, punta na ako ah?"
"Okay"
Pinatay na niya ang tawag pagkatapos non. Binilisan ko na lang din ang galaw ko para hindi na siya maghintay nang matagal.
Maya-maya lang ay biglang may nag doorbell. Naga-apply na ako ng blush on kaya hindi na ako nahirapang tumayo para buksan ang pinto.
Bumungad si Kiella na ayos na ayos na suot ang uniform ng airline namin.
Pinapasok ko siya at pinaupo muna sa sofa.
"Ang aga mo naman" Ani ko dito.
"Gusto ko na kasi makita ‘yung crush kong piloto hehe. Kasabay kaya natin siya ngayon." Kinikilig na ani neto na nagpakunot ng noo ko.
"Wala kang nababanggit na ganiyan sa‘kin, sino ‘yan?" Tanong ko bago siya pinaningkitan ng mata mula sa salamin.
Bumungisngis ang gaga at mahinang hinampas pa ang sofa ko.
"Ang pogi pogi niya hehehe, love at first sight ako te!" Ipit boses na sabi neto.
"Ang cringe, tigilan mo nga" Nakangiwi kong sabi dahil sa pag-ipit niya sa kaniyang boses.
"Tatanong-tanong ka tapos ‘di mo ako susuportahan" She sarcastically said na nagpairap sa‘kin.
Nag-apply na ako ng red lipstick bago binalik sa make up kit ko lahat ng ginamit ko at tumayo para isuot ang blouse ng uniform ko at ang neck tie neto.
YOU ARE READING
Unpredictable Smile (CTR series #2)
Random"Destiny did crossed our path together, only to separate it again. Thinking, what if I'm the first person you loved and met before? Will things like these will happen?"
