Autumn's pov
"Hindi na ako magugulat sa sinabi mo. Halata namang manloloko 'yang asawa mo."
Yes, it's Virn. Kakarating ko lang dito sa bahay niya kaninang alas dies.
Nagising akong wala ng katao-tao sa condo niya. It sudden pain me dahil hindi man lang ako nakapagpaalam.
Wala na akong planong magpakita pa sakanya, gusto kong umiwas. Even our path will cross inside the airport, ako ang kusang iiwas.
At nang makarating ako dito kay Virn, ang daming tanong agad ng gaga.
Sinabi ko sakanya ang nangyari sa'kin this week. And she can't stop asking about Maddi.
Kahit isa sa mga tanong niya tungkol kay Maddi ay wala akong sinagot. I don't want to hear her name.
"Hindi ka ba magfa-file ng divorce? My attorney can help you."
Umiling ako. Dagdag gastusin lang. Tsaka okay naman na ako, buti nga at hinayaan na ako ni Janio.
And I'm planning to go back to him, this week.
Alam kong sobrang tanga ko sa parteng 'yon, pero may part pa rin sa'kin na gusto siya makasama. I want him to change, at gusto kong masubaybayan iyon.
"Babalik na ako sa bahay this week lang din. Pagbalik ko galing sa flight ko this night." Sabi ko.
Nagsalubong ang kilay ni Virn at halos patayin na ako sa sama ng tingin niya.
"Siraulo ka ba?! Hindi dapat 'yun binabalikan." Nanggigigil niyang sabi.
"Virn, he's still my husband. Besides, giving him another chance is not bad naman. I forgive him." Ani ko dito.
Huminga siya nang malalim at nagpamewang sa harap ko.
"Alam mo. Minsan talaga ang tanga mo, sobrang tanga, pagdating na lalo diyan kay Janio. 'Di naman pogi."
Tinalikuran niya na ako kaya napakagat labi na lang ako. Ewan ko ba. Hindi ko siya kayang iwan.
Sana lang ay tama ang ginagawa kong desisyon.
Tinignan ko ang oras. Maaga pa naman for my five pm night flight.
Did I disappoint Virn? Hindi niya ako pinapansin. Nakakahiya tuloy.
Sobrang tanga ko na ba sa mga desisyon ko sa buhay?
"Virn..." I tried approaching her again pero dedma lang sakanya.
I sighed. Maybe she need some space to process what I just said earlier.
Lumayo na lang ako sakanya at bumalik sa guest room niya. Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame.
Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang pangalan ni Janio sa iMessage ko.
Imbes na pangalan niya ang makita ko ay napunta ang tingin ko sa pangalan ni Maddi. Our last conversation is about her date with her mother.
Binack ko iyon at ni-long press si Maddi, I deleted our conversation.
Nag-scroll pa ako hanggang sa tuluyan kong mahanap ang pangalan ni Janio.
Nagdadalawang isip pa ako kung ite-text ko ito o hindi. Pero sa huli ay tinext ko lang.
I updated him about my sudden plan. He's offline kaya hindi niya mababasa agad ang text ko.
Binalik ko ang cellphone ko sa bedside table at nagisip ng mga bagay-bagay, hanggang sa makatulog ako.
Nagising ako. Nagmulat agad ako ng mata at kumurap-kurap. Bumangon na rin ako and stretched my arms.
Kinuha ko ang cellphone ko. Halos mailuwa ko ang mata ko ng makita ko ang oras.
YOU ARE READING
Unpredictable Smile (CTR series #2)
Acak"Destiny did crossed our path together, only to separate it again. Thinking, what if I'm the first person you loved and met before? Will things like these will happen?"