⚠️
Autumn's pov
Today was stressing. I can provide for my self naman pero ang kulit ng kasama ko. Sobra.
Hinayaan ko na lang siya sa kagustuhan niya dahil hindi naman siya nagpapatalo.
Ayaw niya raw na may gamit pa ako galing sa nakaraan. Kung kailan kasama ko si Janio.
Napaka talaga
I texted Virn earlier. At gusto niya ako kausapin, so am I.
Pagkatapos ng dinner namin ng mga kaibigan ni Maddi ay ako na ang unang umalis.
We'll just meet somewhere.
Tinungo ko ang daan kung saan ako pupunta.
Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na dito pumunta, there's just part of me na parang gusto kong balikan ang lugar na iyon.
Nang makarating ako ay nakita ko na siya doon. She's sitting on the swing.
Lumapit ako. Malalim na ang gabi.
Mukha naman naramdaman niya ang presensya ko dahil gumalaw siya nang kaunti.
"Mag-isa ka? It's dangerous." Plastikada kong sabi.
'Yung galit at inis ko ay nandito pa rin.
"F-forgive me, Autumn..." Panimula niya.
Umupo ako sa katabi niyang swing.
Kahit ilang beses pa siyang humingi ng paumanhin ay alam kong hinding-hindi ko iyon magagawa.
"Pinapatawad na kita."
Nandidiri ako sa sinabi ko. Parang bumaliktad ang sikmura ko doon.
Naramdaman ko ang pagtingin niya sa'kin. I didn't bother looking back.
"In one condition," Dagdag ko. "Ang bata lang ang bibigyan ng responsibilidad ni Janio, I'm still his wife."
Hindi ko alam kung paano ko nasisikmurang sabihin ang mga katagang iyan na alam ko namang hindi ko kayang sabihin.
Gusto kong ipamukha sakanila na sobrang nasasaktan ako, sobrang galit ako pero hindi ngayon.
Katulad ng sinabi ko, I will make sure that they will feel the same way they did to me.
Tumango-tango siya.
"I-i will...."
Marahan akong tumango sakanya.
"Just remind yourself I already forgave you. But please, don't cross the line again."
Tinignan niya lang ako na may malungkot na emosyon sa mata. I looked at her emotionless bago tumalikod sakanya.
Hindi pa man ako nakakahakbang ng tatlong beses ay nagsalita ulit siya.
"Good luck."
PAGDATING KO sa condo ni Maddi ay wala ng katao-tao sa loob.
Akmang papasok na ako sa guest room nang biglang bumukas ang kwarto niya. Nagtataka siyang tumingin sa'kin.
"Where are you going?"
"Room?" Hindi sigurado kong tanong.
"Sleep in my room. Madumi sa guest room." Sabi niya at niluwagan ang bukas ng pinto.
"Bakit?" Tanong ko.
"Under maintenance."
Kumunot ang noo ko sa sinagot niya. Under maintenance? Wala naman akong naririnig na ingay.
YOU ARE READING
Unpredictable Smile (CTR series #2)
Random"Destiny did crossed our path together, only to separate it again. Thinking, what if I'm the first person you loved and met before? Will things like these will happen?"