"Congrats, Winter. You're the valedictorian of this batch."
Hindi pa ba uuwi? Sobrang init dito, puro announcement lang naman 'yung ginagawa tungkol sa upcoming graduation namin next next week.
"Winter?"
Kailan ba uulan? Tagaktak na ako sa pawis o, isama mo pang inaantok na ako.
"Sis!"
How's mom and dad na kaya? Kailan kaya sila uuwi mula sa ibang bansa? Miss ko na sila.
"Winter!"
"Aray ah!" Reklamo ko nang hampasin ako netong kaibigan kong katabi ko.
"Tangek, may sinasabi sa'yo 'yung principal."
Nanlaki ang mata ko bago tumayo. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga ka schoolmates ko.
"P-po?" Nahihiya kong tugon.
Tumawa nang mahina ang principal namin bago tumayo nang tuwid.
"You're the valedictorian, miss Fyole." Sabi niya kaya napa-'ah' ako at tumango-tango.
"Okay po. Salamat." Sabi ko bago umupo ulit.
"Sis, 'yun na 'yon? Wala man lang gulat expression? As in hindi mo ine-expect ganon?" Madramang tanong ni Pater.
"Echusera. Expected ko na 'yun, sa tingin mo ba may makaka taas pa sa ninety nine total average ko?" Sagot ko dito at nginisian pa siya.
"Abau! Napaka yabang mo ah. Pahiram utak."
Hinampas ko siya dahil napaka ingay ng bunganga niya. Walang hiya talaga.
"ANO BA 'YAN, napakatagal naman." Reklamo ko habang sini-swing ang dalawang binti mula sa pagkakaupo sa bench.
Kanina ko pa hinihintay driver ko pero hanggang ngayon wala pa rin. Pero okay lang, umuulan naman kaya hindi mainit.
Padating nanaman kasi ang summer, buti nga at graduation na.
"Hi. Can I sit here?"
Nag-angat ako ng tingin, only to see a girl na mas bata sa akin. Grade four ata? or five? hindi ko alam.
Pero may kamukha siya.
"Sige" Sagot ko kasi mukhang maghihintay din ng sundo.
"Are you Mister Cenatar's daughter?" I asked pagka-upo niya.
"I know I'm pretty handsome, but don't yet ask my father to be my wife."
Napangiwi ako sa sinabi ng bata. E kung tutuusin mas matanda ako! Kung hindi lang 'to matangkad pinagkamalan na siyang ka-edad ko, bumase kasi ako sa baby face niya.
"Mag-aral ka muna, kiddo. Ilang taon ka na ba?" Tanong ko bago lumapit pa lalo sakanya.
"Nine" She answered. Napangiti ako dahil don.
"I'm three years older than you, kiddo." Natatawa kong sagot.
"And what now? I liked you since the first time I saw you." Sabi niya.
"Where?" I asked again after recovering from laughing.
"That one night with event where was your family was invited." Sagot niya. My lips formed an o shape at tumango.
Weeks ago. Tumakas pa nga ako noon dahil sobrang boring e, puro naman matatanda.
"You're beautiful that night, you know?"
Umakbay ako sa bata since halos magkasing tangkad na lang kami at tinignan ang mga ulan na nagsisibagsakan.
"You're creepy, kid, alam mo ba 'yun?" Sabi ko bago ulit lumingon sakanya.
YOU ARE READING
Unpredictable Smile (CTR series #2)
Random"Destiny did crossed our path together, only to separate it again. Thinking, what if I'm the first person you loved and met before? Will things like these will happen?"
