Autumn's pov
"I can tell them to change the schedule, Love if you don't want." Dagdag niya.
I have a two days day off kaya medyo maluwag-luwag naman ang schedule ko.
"Kailan?" Tanong ko.
"Tomorrow night" Sagot naman niya.
Tumango ako. "I can go."
Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag-ngiti niya. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko na hindi ko na naiiwas.
I need to start a new beginning with him. Ginusto kong ikasal sakanya, dapat ay panindigan ko iyon. Besides, it's just his one mistake. Just one.
Isang oras ang naging byahe namin bago makarating sa bahay. Nung una ay nagtaka pa ako kung bakit walang sumalubong na aso sa'kin, tsaka lang pumasok sa isip ko na pinakuha pala lahat ni Maddi ang gamit ko dito. I need to contact her again.
Pero naalala ko si Kiella. Should I barrow her Instagram account so I can talk to that woman?
Right.
"Do you want me to buy new clothes for you, Love?" I heard him talk behind me. "Pinakuha lahat ng... kaibigan mo mga gamit mo dito."
Lumingon ako sakanya at umiling.
"I can handle. I have extra clothes in my suitcase." Sabi ko at naglakad na papasok.
Honestly, I miss this home.
Bumuntong-hininga ako bago naglakad sa hagdan. Hindi ako dumeretso sa kwarto namin, bagkus ay pumunta ako sa guest room.
I'm still healing.
I removed my heels at hinilot ang paa ko, nangingit na ako sa sobrang sakit.
‘Di nagtagal ay bumukas ulit ang pinto.
Nagtatakang nakatingin sa‘kin si Janio, gladly he didn't ask. Pinasok niya lang ang suitcase ka sa loob.
He was about to talk but I stopped him by using my signature sign.
"I want to rest. I'm tired." Ani ko bago kinuha papalapit sa'kin ang suitcase ko.
"Okay. Just call me if you need anything."
Tumango ako bilang sagot.
I SUDDENLY WOKE up. Nakaramdam ako ng sakit sa paa kaya hindi ko ito magawang igalaw.
Nakatulog ako pagkatapos kong maligo, probably because of exhaustion.
I also talked to Kiella. Buti ay mabait ang babaeng ‘yon at talagang pinagkatiwala sa‘kin ang account niya.
I acted that I'm Kiella while talking to Maddi earlier. Luckily, pumayag siyang ipabalik ang mga gamit ko dito.
Nakarinig ako ng ingay sa baba kaya kumunot ang noo ko. I forced my self to get up, hindi naman ganon kalala ang sakit ng paa ko, it's enough for me to walk.
Nang makatayo ako ay naglakad ako palapit sa pinto. Sumilip ako doon.
I squint my eyes when I saw Virn talking to my husband in our living room.
Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila pero base sa ekpresyon ni Virn ay parang nagkakagalitan ang dalawa.
I sighed. Obviously, it's about our issue again.
Kilala ko si Virn, ayaw na ayaw niya akong nasasaktan.
Lumabas ako mula sa pagkakasilip sa pinto. Hindi agad nila ako napansin. Nang pababa na ako sa hagdan ay tsaka lang nila ako napansin.

YOU ARE READING
Unpredictable Smile (CTR series #2)
Acak"Destiny did crossed our path together, only to separate it again. Thinking, what if I'm the first person you loved and met before? Will things like these will happen?"