chapter 43

4.8K 94 6
                                    

Autumn's pov

Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko, only to see a familiar room, pero kakaiba ang amoy.

Nang luminaw na ang paningin ko ay nilibot ko ang paningin ko. It's the same room as mine dito sa resort, pero alam kong hindi ko 'to kwarto base sa amoy...

And the scent is kinda familiar.

Remembering what happened last night fulfilled what I'm thinking. Posible ngang siya. Pero bakit?

What I just remember is I was kissing a guy and Maddi showed up, nakipag-away siya at hanggang doon lang...

Napangiwi ako sa sakit ng ulong naramdaman. Napahawak ako sa ulo ko bago dahan-dahang umupo. Nakaramdam pa ako ng hilo sa nagawa.

Naka tatlong bote lang naman kagabi, pero bakit ganito kalakas ang tama ng alak sa'kin? Parang sobrang sakit agad ng katawan ko e.

"Oh, gising ka na pala"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. To my disappointment, it was Kiella.

"Hindi mo naman sinabing iinom kagabi, sabay sana tayo!"

"Bakit? May problema ka ba?" Natatawang tanong ko dito na animo'y walang dinadamdam na sakit.

"Wala. Sasabayan ka lang, bawal ba ha?" She sarcastically answered.

Lumapit siya sa'kin at inabot ang dala dala niyang soup.

Siguro parehas lang ng perfume si Kiella at siya. Pero bakit nandito ako  sa, kaninong kwarto ba 'to?

"Kuwarto ni Maddi. Takang-taka na kasi 'yang mukha mo e."

Napunta ang tingin ko sakanya na naglalagay ng gamot sa tubig ko. It was a headache killer.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko.

"Alam ko naman gusto mo siyang makita, pero...."

"Hm?" Ani ko, saying her to continue.

"Ayaw ka atang makasama. Tsk. Ang arte non."

Napayuko ako sa sinabi niya. Halata naman. Nagkataon lang siguro na nandoon siya noong gabing 'yun at akala niya ay may masamang nangyayari na sa'kin.

Iniwas ko ang mukha ko kay Kiella dahil ayaw kong makita niyang, nasasaktan ako....

"She called us tonight ni Goun. Mga ten pm din ata. Sabi niya pumunta kami sa room niya, which is here, so pumunta kami. Pagbukas namin ng pinto, she's packing her things. Magpapalipat daw ng room, syempre nagtaka kami ni Goun. Sabi niya sa'kin, your friend is here, tapos gora na siya." Kwento niya at ginaya pa ang pagkakasabi ni Maddi sa sinabi niya.

Honestly... nasasaktan ako. Bakit pa ba kasi ako umaasa? Nawala sa isip ko noon na hindi siya bumabalik sa nakaraan niya, at ginusto kong maging parte ng nakaraan niya.

Kahit maging mag kaibigan man lang ay wala na atang pag-asa, sa pakikitungo pa lang niya sa'kin.

Pero teka nga, bakit ba ako nagi-isio ng ganiyan? Hindi naman sa gusto kong alagaan niya ako habang lasing kagabi ha!

Unpredictable Smile (CTR series #2)Where stories live. Discover now