3rd person point of view
Hinang-hina ang pamilyang Cenatar pagkatapos makita ang kalagayan ng batang babaeng nagnga ngalang Maddi Cenatar.
Balot na balot ang kaniyang katawan ng mga bandage, lalo na ang kaniyang ulo. May cervical collar din na naka balot sa kaniyang leeg. May iba't ibang injection na naka tusok sa kaniyang kanang kamay.
Naging malubha ang kalagayan ng bata pagkatapos nang nangyari ang aksidente. Halos isang buwan na rin ang nakalipas, pero ang bata ay hindi pa nagigising kahit silip man lang.
Mas lalong gumuho ang mundo ng kaniyang nanay pagkatapos sabihin ng doctor na she's under comatose.
Mangiyak-ngiyak na hinawakan ng nanay ang kamay ng kaniyang natutulog na anak.
"Anak... gumising ka na." Nakikiusap niyang bulong na parang tila maririnig ng kaniyang anak.
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Maddi kaya napunta ang atensyon ng matanda doon.
Bumungad ang matandang babaeng Fyole. Galit na galit siya, at may sakit din na makikita sa kaniyang mga mata.
"Grace" Panimula ni Aurelia– Nanay ng batang Maddi.
"Walang hiya kayo!" Galit na sigaw ng matandang babae– si Grace, nagulat si Aurelia sa naging asta ng kaniyang kaibigan.
"Namatay ang anak ko dahil sa anak mo!" Dagdag niya na talaga namang ikinagulat ni Aurelia.
Umiling-iling siyang tumayo at sinubukang lumapit sa kaibigan pero tinabig lang siya neto.
Alam ni Aurelia na na-aksidente rin ang anak ng kaniyang kaibigan– si Winter.
"Walang may kasalanan neto, Grace. Kahit ang dalawang bata–"
"Hindi! Kasalanan ng anak mo! If only they didn't met, this wouldn't happen at all!" Galit na galit na sigaw ni Grace.
Nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata ni Aurelia, hindi naniniwalang pumanaw ang kaibigan– iniibig ng kaniyang panganay na anak.
"Kung totoo man ang sinabi mo! Puwes 'wag mong isisi sa anak ko." Matigas na sabi ni Aurelia.
Ang dalawang matanda ay nagkaka galitan na dahil sa malaking hindi pagkaka unawaan.
"At sino naman?! Sa anak ko?! Sa anak kong namatay pa?!" Hinang-hina na sagot ni Grace.
Sunod-sunod na umiling si Aurelia.
"Katulad ng sinabi ko, walang may kasalanan neto, Grace. Kung galit ka, ako rin! Pero 'wag kang magpadalos-dalos."
Hindi na nagawang sumagot ni Grace dahil tuluyan na etong nanghina sa galit at sakit.
Akala ng lahat ay comatose lang din ang batang winter– pero mas lalong lumala ang galit ng pamilyang Fyole sa Cenatar pagkatapos inanunsyo ng doctor na wala na ang batang Fyole.
Bigla na lang daw itong naputulan ng hininga at hindi na nila nagawa pang ibalik eto. Maari ay dahil daw ito sa matinding sugat sa kaniyang mga katawan.
Dalawang buwan na ang lumipas pagkatapos ng nangyari. Tuluyan nang nawala ang connection ng Cenatar sa mga Fyole dahil sa pangyayari.
YOU ARE READING
Unpredictable Smile (CTR series #2)
Random"Destiny did crossed our path together, only to separate it again. Thinking, what if I'm the first person you loved and met before? Will things like these will happen?"
