Autumn's pov
Habang patagal nang patagal, mas lalo niya akong nakukuha.
She care for me so much, lalo na noong nalaman niya ang ginawa ni Janio. Kahit anong sungit ko ay hinahayaan niya lang ako.
But no, I don't feel any romantic feelings for her. Straight ako, at may asawa.
Kakatapos ko lang maligo sa guest room ng condo niya ng mapatingin ako sa picture frame malapit sa kusina niya.
Hindi ko ‘to napansin kanina.
Napangiti ako nang makita ko ang mga childhood pictures niya, at ang family niya. ‘Yun nga lang ay wala akong nakitang litrato ni kahit isa ng tatay niya, ganon siguro kalala ang galit niya sakanya.
One picture caught my attention. Graduation picture niya iyon noong pre k pa lang siguro siya.
Malawak ang ngiti niya sa litrato, may bangs pa siya noon. Simula bata pa lang ay sobrang ganda na.
Nang bumukas ang pinto ng kuwarto niya ay binaba ko agad ang picture frame at nagkunwaring inaayos ang relo ko.
She's wearing a simple clothes. A shirt and a maong short. I gulped, for no reason.
Sinabihan ko siyang magpalit na dahil nandoon na si Janio. He just texted me earlier that he just got home from work.
Hindi na ako nag-ayos nang bongga. Inayos ko lang ang buhok ko at tapos na.
Napalingon ako sa likod ko nang bumukas ang pinto ng kuwarto ni Maddi.
I was taken aback when I saw her. Pinasadan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa niya, and can't help my self to be amazed to her fashion taste.
She's wearing a baggy jeans pants, and a crap top na pinatungan niya ng crap top polo na nakabukas ang mga butones.
"I know I'm pretty handsome, calm down woman, you still have a husband."
Napaiwas agad ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Ang kapal din ng mukha.
"Let's go"
Hinablot ko agad ang sling bag ko at sinuot ang flat shoes ko na pamalit sa heels ko sa airline.
Nauna na ako lumabas at hinintay siya sa labas ng condo niya.
"Kunwari unbothered pero kinakabahan na ‘yan." Parinig neto sa‘kin kaya malakas ko siyang hinampas sa likod niya habang naglalakad kami.
"Aray" Reklamo neto.
Inirapan ko lang siya nang lumingon eto sa‘kin.
Sumakay kami sa elevator nang tahimik. Walang nagsalita sa aming dalawa hanggang sa makapasok kami sa sasakyan niya.
Binuksan niya ang stereo nang mapainit niya ang makina. She started to drive with the guide of me.
Paminsan-minsan ay tinuturo ko sakanya ang daan papunta sa bahay namin. Ilang pasikot-sikot pa ang nadaanan namin hanggang sa makarating kami.
Pagtingin ko sa bahay, with Janio's car in the parking lot, made my blood run through my veins. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko lalo na't biglang bumalik sa isipin ko ang narinig ko kagabi.
"Can you do it? Pwede pa mag-back out."
Napatingin ako kay Maddi nang magsalita ito. Umiling ako at bumuntong-hininga.
"Come with me." Ani ko kaya napalingon eto sa‘kin.
"Kanina, maghintay lang ako dito sa sasakyan, tapos ngayon come with me?" Nagtataka niyang tanong.
YOU ARE READING
Unpredictable Smile (CTR series #2)
Random"Destiny did crossed our path together, only to separate it again. Thinking, what if I'm the first person you loved and met before? Will things like these will happen?"