Maddi's pov
The flight went well. Isang araw ang naging byahe namin at hati kami ni Haider sa oras.
Ako ang nag-land ng eroplano dahil tulog pa kanina ang kasama ko. Ang bangis.
At ngayon ay hinihintay na lang namin ang susundo sa‘ming van. Pare-parehas kaming pagod na at gusto na lang matulog.
Ako gusto ko mambabae.
We landed in Canada at exactly nine in the morning earlier. Alas diyes na kami nakalabas sa airline dahil pare-parehas pa kaming may inasikaso kanina sa loob ng eroplano.
"Inaantok pa ako tol, tangina" Ani ko kay Haider na nasa tabi ko lang.
"Just sleep later."
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil dumating na ang fifteen seater van for pilots and flight attendants.
Si Haider na sa passenger seat kaya pumwesto na ako sa pinakalikod, sa tabi ng bintana.
"Autumn, tabi ka na kay Maddi." Ani ni Haider kaya lihim akong napangisi.
Salamat bro
"Ako na lang. Dito ka na Autumn."
Napawi ang ngisi ko dahil doon.
Maya-maya lang ay may tumabi sa‘kin. Imbes na si Marshall, ay si Kiella ang nasa tabi ko. Natahimik na lang tuloy ako.
"Hi"
Tumingin lang ako kay Kiella at sumandal sa bintana.
Nasa harap ko lang si Marshall na nakasandal na rin ngayon sa bintana.
Kiella has been trying to be close to me years ago, until now. Hindi ko lang talaga gusto.
Sorry for her.
Umandar na ang van. We're heading now to the famous hotel here in Canada. Naka-book na ang airline namin ng rooms, kaya hindi na namin po-problemahin maghintay mamaya.
Ten minutes lang naman ang byahe mula airlines papunta doon pero parang naging thirty minutes dahil sa sobrang bagal ng patakbo netong driver.
When we reached the hotel. Staffs did welcome us, as if we're big celebrities who visit their hotel.
"Three rooms lang pala ang na-book, so we need to share rooms." Haider said after he talked to the hotel receptionist.
"Bakit tatlo lang?" Tanong ko.
"Occupied. Madami kasing tourist." Sagot niya. Tumango lang ako.
Napatingin ako kay Marshall na nasa tabi ni Kiella. Naguusap.
"Share na kami ng room ni Marshall." Ani ko kaya sabay-sabay silang napalingon sa‘kin.
"What? Is there something wrong with that?" Nagtataka kong tanong dahil binibigyan nila ako ng makahulugang tingin, except those two.
"Halata ka" Ani ni Haider na ikinataka ko.
"Uhm, actually, I want to share room with Kiella." It's Marshall.
I shrugged my shoulder at tinignan sila.
"Kayo bahala. Inaantok na ako." Ani ko at umupo sa sofa.
"Share na tayo ng room, Kiella. Hayaan mo na silang dalawa." Ani ni Haider at hinila na si Kiella na parang gusto pa umangal.
"Una na kami" Said by those two other flight attendants.
Tumango lang ako tsaka tumayo.
Lumapit ako kay Marshall na ngayon ay ang sama na ng tingin sa‘kin, as if I did something wrong.
YOU ARE READING
Unpredictable Smile (CTR series #2)
Random"Destiny did crossed our path together, only to separate it again. Thinking, what if I'm the first person you loved and met before? Will things like these will happen?"