A/N: Hi. May nabasa akong comment somewhere ata, sa tiktok ko or here. It's something about my username, it's a statement ata or question, I can't fully recall. So I want to answer it.
As I mention, it's about my username raw na parang ginaya ko raw sa ibang wlw author here in wattpad. I won't drop the author username na but we ALMOST have the same username but with different spelling.
But to clarify po, WALA AKONG GINAYA. Yes, I'm one of the followers of that author, I already read all of her stories, pero hindi ko siya ginagaya.
The "ryn" on my name comes from my second name sa real name ko, but that's not actually my second name. the "gaee" is my sexuality, or as a additional signature surname that I'm gay ( into girls ). Kaya po nabuo ang ryngaee.😊🤍
Maddi's pov
Mas lalo atang nadagdagan ang galit ko sa mga lalaki, after knowing what Hannah had been through when she started to marry that guy.
"Kailan ba sila pwedeng patayin? Kating-kati na kamay ko." I said.
I promised my self to stop doing things like killing already before, pero sinasagad talaga nila ang pasensya ko.
"Why is it normal to you all to kill someone?" Marshall asked while I'm driving.
Hindi ako sumagot. Should I tell her?
She's not a violence person, hindi niya kayang pumatay. What will she tell if her love one is a former... killer?
"Sinagad lang niyang asawa mo ang pasensya ko." I lied.
Hindi naman na siya sumagot pa hanggang sa makarating kami.
Today is so tiring. Napagod ang isip ko kakaisap ng kung ano-ano. Fuck you Janio deck psycho.
"Inaantok ako. Can I sleep?" I asked pagkahiga ko sa kama.
Tumango siya habang tinatali ang buhok niya. I smiled. Pinikit ko ang mata ko hanggang sa nakatulog.
Let her go!
Ako na lang kunin niyo!
No! Maddi run!
Takbo Maddi! Pakiusap!
'Wag niyo siyang idadamay...!
I'm begging you Maddi, leave me here, iligtas mo ang sarili mo!
Please, Maddi...
Run please, I can't forgive my self if something happens to you. Please, umalis ka na.
Wag ka ng makulit Maddi! Tumakbo ka na!
Maddi, I love you....
Hindi ako mapakali sa kinahihigan ko. Sobrang higpit ng hawak ko sa bedsheet, tagaktak ang pawis ko.
May tumutulo sa mga mata ko pero hindi ko naman maimulat ang mata ko.
I forced my self to wake up. Bumungad ang grey ceiling ng kwarto ko.
Mabilis ang tibok ng puso kong umupo. Pinakiramdaman ko ang sarili ko.
I wiped my face nang maramdaman kong sobrang basang-basa ito. Napagtanto kong mga luha eto mula sa mata ko.
Sunod sunod akong huminga para habulin ang hininga ko. Nilibot ko ang paningin ko, gladly I'm still in my room.
Bumalik nanaman ako sa dati...
YOU ARE READING
Unpredictable Smile (CTR series #2)
Acak"Destiny did crossed our path together, only to separate it again. Thinking, what if I'm the first person you loved and met before? Will things like these will happen?"