Autumn's pov
Dalawang buwan na ang lumipas. My life with Janio went well. Sinusuyo niya pa rin ako hanggang ngayon kahit bumalik na ang normal naming buhay.
Walang araw na hindi siya umuwing walang dalang bulaklak. Kapag naman may trabaho ako ay may bulaklak pa rin tuwing susunduin niya ako.
It made me feel better though. He just prove he changed. Hindi rin naman ganon kahirap ibalik ang tiwala ko, he's my husband though.
Kaya ngayon ay nagluluto ako ng dinner namin. It's a sisig.
Maya-maya ay uuwi na rin siya galing sa trabaho. Actually, I'm planning to resign sa trabaho ko para maalagaan siya.
I love being housewife, at maging asawa niya.
Mabilis akong naghain sa mangkok pagkatapos kong magluto dahil narinig ko na ang busina ng sasakyan niya sa labas.
I remove my apron at mabilis na kumilos. Magpa-park pa naman iyon.
Mabilis akong kumuha ng dalawang pinggan, ganon din sa kutsara at tinidor, at baso.
Sakto lang ang pagpasok niya dahil natapos na ako sa paga-ayos. Ang kalat ko sa kusina ay hindi pa.
May dala ulit siyang bouquet ng bulaklak. Iba-ibang bulaklak.
Napangiti ako nang salubungin ako neto ng halik at inabot ang bulaklak.
"Thank you" I said na sinagutan niya lang ng you're welcome.
Kumunot ang noo ko nang mapansin ko ang pagod neto. Akmang aayain ko na siyang kumain nang bigla ako netong iwan dito na nakatayo, without saying anything.
Kahit sa pag-akyat niya sa hagdan ay hindi niya ako binalingan ng tingin.
I just sighed. Kumuha ako ng vase at inisa-isang tanggalin ang mga bulaklak para ilagay doon.
He's so tired today. Hindi naman niya ako ganon salubungin, minsan ay kinakamusta niya pa ako.
Nang matapos ako sa ginagawa niya ay umakyat ako sa taas para ayain siya. Una akong pumunta sa kwarto namin pero wala siya doon.
Sa office niya ako sumunod na pumunta, ng marinig ko ang boses niya sa loob ay kumatok ako.
Hindi siya sumagot kaya binuksan ko eto.
"See you tom–"
"Hon?"
Gulat siyang nag-angat ng tingin sa'kin at binaba ang cellphone. Napatingin ako doon.
"Why?"
Nawala ang tingin ko sa cellphone niya nang magsalita ito. Magiliw akong ngumiti.
"Gutom ka ba? I cooked." I asked. Umiling siya na ikinadismaya ko.
"I will just eat later, Love. I will just finish my work." Sagot niya kaya napasimangot ako.
"Okay. 'Wag ka masiyadong magpaka-babad sa trabaho." Sabi ko bago isara ang pinto.
Dismayado akong bumaba sa hagdan at pumunta sa dining area para iligpit ang mga hinanda ko.
Nilinis ko na rin ang kusina kung saan ako nagluto. May kung anong namumuong lungkot sa katawan ko pero iniwaksi ko iyon.
His job is important to him, kaya iintindihin ko na lang.
Pagkatapos kong mag-ayos sa kusina ay umakyat na ako at dumeretso sa kwarto namin para maghanda sa pagtulog.
I have a flight tomorrow, hindi ko dapat muna ini-stress ang sarili ko, napa-praning lang siguro ako.
Nang matapos mag-ayos ay humiga na ako. Hindi ko muna pinatay ang ilaw, I will wait for my husband.
![](https://img.wattpad.com/cover/362077621-288-k482247.jpg)
YOU ARE READING
Unpredictable Smile (CTR series #2)
Aléatoire"Destiny did crossed our path together, only to separate it again. Thinking, what if I'm the first person you loved and met before? Will things like these will happen?"