Maddi's pov
We landed in Morocco safely. Nakausap ko naman na ang Filipino driver namin dito na bibisita ako.
Our house and farm here is own by my mother's family. Angkan nila.
Bulok pamilya ko sa dad side, sila sila lang din nagpa-plastikan. Hindi pa afford magpatayo ng farm sa ibang bansa.
Ewan ko ba dito sa nanay ko, mas mayaman naman pamilya niya pero mas pinili niya 'yung lalaking 'yun.
"Malalim ata iniisip mo?"
Napapikit ako ng magsalita ang katabi ko. Dalawang araw ang naging byahe namin, at sa loob ng dalawang araw na iyon ay hindi naibsan ang pagaalala niya.
Which I'm thankful dahil kahit papano ay alam kong may nagaalala pa rin sa'kin kahit papano.
Nasanay akong sarili ko lang simula noong umalis ang kapatid ko. Simula noong nasira ang pamilya namin.
Simula bata pa lang naman ako ay sira na. Si Maeve lang ang nagiisip masaya ang pamilya namin.
Bumalik sa ala-ala ko ang ginawa ng tatay ko noong bata kami. Cruel, so cruel.
"Nanginginig ka nanaman."
Bumalik ako sa katinuan nang marinig ko ang boses niya at naramdaman ang kamay niyang humawak sa kamay ko.
"Stop thinking things, Maddi."
Tumango ako. Hindi naman kalayuan ang hacienda namin sa airport. Isang oras lang ang byahe.
"Mukhang tinupad niyo nga ang pangako niyo sa sarili niyo noon, ma'am Addi ah."
Napatingin ako kay manong john. Ilang years na rin siyang namamahala sa amin. Sobrang thankful din namin sakanya.
"Ano pong pangako?" Nagtataka kong tanong.
"Totoo nga ang sinabi ng mama mo." Malungkot na sabi niya na mas lalo kong ipinagtaka.
"Ano pong ibig niyong sabihin?" Kunot noong tanong ko.
"Wala, Hija. May katandaan na rin ako, siguro isa sainyo ni Maeve ang nagsabi non."
Tumango na lang ako kahit kinakain ako ng labis na pagtataka.
"Don't think too much."
Napangiti ako. She never forget to remind me simula nung nangyari sa'kin.
Napatingin agad ako sa bintana ng mainag ko na ang ilog na sumasakop sa hacienda namin.
Malinaw pa rin ang tubig hanggang ngayon. Hindi ganon kalinaw pero malinis, unlike rivers in Manila.
"Nandito rin pala ang mga pinsan mo, Maddi. Kakarating lang din kahapon."
Ngumiti ako. Mom already told me about that. Kahit naman papano ay nag-uusap pa rin kami ni Mommy through phone.
"Oo nga po e. Para hindi na boring ang hacienda." Sagot ko.
Sila Lolo at Lola na lang kasi ang nakatira dito. Old style raw kasi ang atake ng hacienda kaya mas gusto nila dito.
"Oo, Hija. Tuwang-tuwa ang mga trabahador sa hacienda kasi kahit papano ay makakasama raw ulit namin kayo."
Mas lalong lumawak ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Ilang taon na ring nagta-trabaho sa'min si Mang John. Marami kaming utang na loob sakanya.
Tumingin ako sa katabi ko. I assured her with my smile dahil parang nanlamig ito bigla.
"They're my fam in my mom side." Sabi ko. Tumango lang siya.
YOU ARE READING
Unpredictable Smile (CTR series #2)
Random"Destiny did crossed our path together, only to separate it again. Thinking, what if I'm the first person you loved and met before? Will things like these will happen?"
