chapter 24

4.6K 107 12
                                    

Autumn's pov

"Sorry. Binigla ba kita?"

Umiling ako. Hindi ko lang talaga alam paano sasagot sa sinabi niya. She didn't asked me to marry her, but a statement na pakasalan ko siya.

"Let's go back, maybe they're already finding us."

Nauna na akong tumayo mula sa pagkakahiga sa blanket na dinala niya, nakasandal din kasi ang ulo ko sa braso niya.

Tumayo siya at nag-unat. Kukunin ko na sana ang blanket para tupihin pero nauna na siya.

I just looked at her while she's doing it.

I can't deny when it comes to admitting she's a gentlewoman.

She's the best example of it.

Hind niya ako hinahayaang masugatan man lang kahit daplis lang. Ingat na ingat siya sa pag-alalay sa'kin.

Kapag nga tumutulong ako sa gagawin kanina sa pag-aayos ng tent ay inaako niya.

At ang lagi niyang rason ay magpahinga na lang daw ako.

Janio could never.

"Let's go?"

Hindi na niya hinintay pang makapagsalita. Hinayaan ko siyang hilain ako hanggang sa makabalik kami.

Tapos naman na kaming kumain ng hapunan kanina bago kami pumunta doon.

Nakapalibot na sila ngayon sa camp fire. Kanya-kanyang upuan ng log.

Hinila ako ni Maddi palapit sakanila at umupo sa tabi ni Yakira tsaka inagaw ang gitara.

Nagreklamo 'yung isa at ang sama ng tingin kay Maddi, pero ang isa ay parang wala lang.

Wala na sila Lolo at Lola dito, siguro ay natulog na o nasa loob ng tent.

We have three tents in total, malaki 'yung isa at medium size 'yung isa, the last one is enough for two people lang.

Maddi started strumming on the strings of the guitar. Nag-init ang mukha ko nang nakilala ko ang instrumento nung kanta.

It was Ewan by APO hiking society.

It's my favorite song back then. Kahit nasa ibang bansa ay ayan ang lagi kong tugtugan kahit saan magpunta. It was funny kasi hindi ko maintindihan noon ang lyrics, I just liked the beat and melody before.

Hindi ko alam kung bakit ka ganyan
Mahirap kausapin at 'di pa namamansin
'Di mo ba alam, ako'y nasasaktan?
Nguni't 'di bale na basta't malaman mo na

Ang sarap pakinggan ng boses niya. Sobrang nakakalma sa tenga.

Mahal kita, mahal kita, hindi ito bola
Ngumiti ka man lang sana, ako'y nasa langit na
Mahal kita, mahal kita, hindi ito bola
Sumagot ka naman, 'wag lang ewan

Nakaramdam ako ng kung ano sa tiyan ko nang kantahin niya ang parteng iyon. Nakatingin nang deretso sa mata ko, at bawat salita sa liriko ay tumutugma sa pag strum niya ng gitara.

Unpredictable Smile (CTR series #2)Where stories live. Discover now