47

1 1 0
                                    

2009


I think I would look good in white. With babybreaths in hand and some flower to give the bouquet a pop, nestled just in my hand tapos maglalakad ako sa gitna. My soon-to-be-husband looking at me with tears in his eyes.

Bakit ganon?

Agad ko ring tinanggal sa isip ko ang imaginations na bumabagabag dito. Huminga ako ng malalim tapos ang sarili na lang ang tinignan at hindi si Anne na nag-re-ready sa salamin habang malaki ang ngiti at kumikinang ang mata dahil sa luha.

Pumasok na naman siya sa isip ko.

He entered it and how we almost had it all.

I wish I could unrecall those thoughts.

"Luna," tawag sa akin ni Anne.

Napatingin ako sa kaniya. Nanlaki ang mata ko nung may mga luha sa pisngi niya.

Agad-agad kong kinuha ang tissue na nasa tabi ko.

Pinunasan ko yung gilid ng mata niya, iniingatan ito dahil baka masira ang eye makeup niya. "'Wag ka nga masyadong maluha, masisira eye makeup mo."

Ngumuso siya. "Eh kasi naman," iyak niya at punas ko naman. "I'm here na. It feels like sobrang tagal na dapat ito nangyari ngayon..." Ayan na naman siya. "Ito na yun. This is it."

"This is it, kaya stop crying." Rinig ang buntong hininga niya.

Napatingin kami ni Anne kay Forsythia na suot na ang dress niya, tapos na rin siya magpamake-up pero hawak niya pa rin ang med na libro niya. Hindi talaga siya nagpapalampas ng kahit ano.

Akala ko... kahit kasal ng kambal niya... ipalagpas niya man lang.

"Ano ba, Forsythia," natutuwa niyang sabi habang umiiyak pa rin. "Halika nga rito, lets take a picture."

Tumayo si Forsythia and stood beside Anne, sa may left side. Ako naman sa may right.

Inayos ni ng bride-to-be ang bouquet niyang may pink lilies ay white na roses.

Ngumiti kaming dalawa sa harap ng camera. Sinubukan naman ni Forsythia ngumiti.

Nakailang takes pa kami kasi gusto ni Anne ng madaming memories to look back on, sabi niya yan sa amin.

Pinagbigyan namin siya.

Nandito ako ngayon sa harap habang si Timothee naman ay katapat ko, na katabi ni Forsythe. Suot niya ang kaniyang suit habang hindi matigil ang pagnginig ng kaniyang paa, ang mata ay nakatingin sa pinto.

Hinihintay ang magiging asawa niya.

Tinignan ko ang kamay ko.

My imagination gnawed on me and thought that I have a bouquet that surrounds my hand tapos nakasuot ako ng white.

In my head, I looked up and saw his face kung saan nakapwesto si Forsythe. Then... I was suddenly walking.

Buti na lang.

Napatingin ako sa pinto ng simbahan.

Naiwasan ko ang sakit.

Natablahan ko ang memorya ko.

Pinanood ko si Anne na naglakad. Nakikita ko sa likod ng puti niya veil ang luha niya at ang ngiti niyang malaki. Parehas na kumikinang ang mata at ngipin.

Tale Of A MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon