prologue

177 22 31
                                    

April 26, 2006





"Ang isang bihirang annular solar eclipse, na tinawag na "singsing ng apoy," ay nasaksihan noong Huwebes sa buong Asya sa mga bansa tulad ng Saudi Arabia, Qatar, United Arab Emirates, Oman, India, Sri Lanka, Malaysia, Indonesia, Singapore, Northern Mariana Islands,. Guam at ilang bahagi ng Pilipinas."

"Sa kabila ng maulap na kalangitan, ang mga mahilig sa astronomiya sa Metro Manila ay lumabas upang obserbahan ang bahagyang solar eclipse, na tumagal ng higit sa 3 oras mula sa unang pakikipag-ugnay nito sa 12:32 p.m. hanggang sa katapusan ng eklipse sa 3:47 p.m.-"

Ang tunog ng balita ay lumipas sa aking tenga. Ang paa ko ay naglakad palabas sa mainit na araw at sa sumasayaw na puno. Nagkaroon ng isang maliit na ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan ang mga bata na nagsisitakbuhan sa malalapit na tindahan.

Diretso lamang ang aking paa sa nilalakaran, ang sapatos ay tumutunog sa sementadong daanan ko. Ang mata ay gumala sa magandang araw na hinatid para sa akin. Agad na kumuha ng atensiyon ko ang mga tao na nagkumpol sa iisang lugar—tila ba ay matingkad na kulay sa mundong puti' itim.

Dala ng kuryusidad na ngayon ay nasa aking ulo at nasa paa, ako ay nadala roon. Bulungan at salita, pumapasok sa aking tenga, parang maingay na hangin na humahaplos sa aking mainit na kape.

Nang madatnan ang aking sarili roon ay agad kong napansin ang nasa gitna. Isang mahaba sa dulo na makina at isang tayuan sa gitna. Ang isang mata ng tao ay sumisilip dito na parang tinitignan nila ang mundo sa maliit na salamin. Napakagat ako sa aking labi.

Naramdaman ko ang presensiya ng isang tao sa tabi ko kaya naman agad na nagkaroon ng ideya ang aking isip. "Anong meron?" Hindi maiwasan matanong dahil sa bumubuong bagay sa aking isipan.

"Tinitignan nila yung solar eclipse. Kung gusto mo makita pumila ka," sagot niya.

"Nakita mo na?" Dagdag ko.

"Oo naman, ang ganda nga 'e. Kung gusto mo tignan mo."

Napadala sa hangin ng kasiyahan na makakita ng ganitong bagay malapitan ay napunta ang buong ako sa pilahan ng tao na ngayon ay hindi na rin makapaghintay na tignan ang bagay na 'to. Ang paa ko ay napupunta sa gilid at napupunta sa gitna, ang buhok ko ay sumasayaw sa bawat galaw na akong ginagawa, napapakagat sa aking labi tuwina ang isang tao ay umaalis at ako ay lumalapit na.

Hanggang sa ako na ang nasa harap ng bagay na 'to. Ang isang mata ay nakapikit habang ang isa ay diretso na narito. Napahinga ng malalim sa paraan ng biglaang tama sa akin ng simpleng bagay na ito. Ang buwan na nasa gabi ay narito ngayon sa aking harap sa kalagitnaan ng araw na nagbibigay ng musika na tugtugin ng puno. Sa naghahari na buwan at sa yumayakap na araw.

Ngayon ay bilog ito, bilog na bilog sa aking paningin. Parang mata ni Alex sa kalagitnaan ng pagmamahal namin—maganda, nakakahimatay, nakakahikayat, nakakaaakit at nakakawalan ng hininga.

"Ang ganda 'di ba?" Tanong ng katabi ko.

Ako ngayon ay nasa likod na at nanonood na lamang sa langit ng tahimik at malayo. Kung kanina ay kita ko ang buong bagay na ito, ang buwan at ang araw, ngayon naman na ay kita ko na lamang ang isang malaking singsing sa aking paningin. Ito ay lumulutang sa kalagitnaan nang palubog na kalangitan.

"Sa mata ko, oo..." sagot ko, ang mata ay nasa harap at ang opinyon ay totoo.

Subjective naman kasi ang maganda at pangit na bagay, para sa akin.

Tale Of A MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon