2017
Ang sakit.
Hindi ko kayang tanungin sa kaniya.
Hindi ko kayang tanungin, kung okay lang ba siya, habang nasa harap kami ng mga anak namin at ang ngiti niya ay hindi matanggal.
Nakatitig lang ako sa kaniya.
Akala niya hindi ko makikita ang tissue na may dugo. Nakita ko. Kitang-kita ko.
"Daddy!" Biglang tawag ng panganay naming si Atlas.
Tinanggal ko ang tingin ko kay Luna dahil nakita ko ang mata niyang napunta sa akin at ang pagkawala ng ngiti niya ng ilang segundo bago ibalik ang peke niyang okay lang ako.
"Ano yun?" Tanong ko sa kaniya.
Nilapitan ko si Luna na ngayon ay nasa balcony ng kwarto naming dalawa.
Pinulupot ko ang kamay ko sa bewang niya at napansin ko ang pagpayat niya dahil sa kaniyang sakit. Hinilig niya ang kaniyang ulo sa aking katawan. Hinalikan ko naman ang kaniyang noo.
Ang hangin ay banayad, habang ang ulap ay walang buwan. Kaunting bituin lamang ang kumikindat sa aming dalawa.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na asawa ko siya at may dalawa na kaming anak. Parang kailan lang nung nakita ko siya noon sa airport. Parang kailan lang nung nagasgasan niya ang sasakayan ko. Parang kailan lang nung nasa loob kami ng cafe niya. Parang kailan lang nung nasa New York kami.
"I love you," I whispered to her.
Ang maputla't bitak-bitak niyang labi ay ngumiti sa akin. Alam ko kung wala ang oral nasal mask niya ay sasagutin niya rin ako ngayon. Ang buhok niyang malusog ay nawala na.
Hinalikan ko ang kamay niya na ngayon ay hawak ko.
Ito na ang pinakamalapit na paglalapit ng puso niyang nanghihina.
Lumabas muna ako at huminga ng malalim. Umupo ako sa upuan na nasa labas lang ng room ni Luna. Napahilamos ako sa mukha ko at ang singsing naming dalawa ay malamig sa aking balat. Mas malalim na ang paghinga ko ngayon habang nakatingin doon.
Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng aking mata. Ginamit ko ang talukap ko bilang panangga sa nagbabadyang luha. Hindi ako pwedeng umuwi na naman sa bahay namin na pula ang mata at ilong.
Kailangan ko maging matatag para sa anak namin.
Pagkauwi ko ay sumalubong sa akin si Atlas. Nagmano muna ako kay Mama bago nagpatuloy na pumasok sa loob ng bahay, si Atlas ay nakabuntot sa akin.
"Si Astrella, Ma?" Tanong ko sa kaniya pagkadating namin sa kusina.
"Tulog na po siya," sabi ni Atlas sa akin. Nakaupo na siya ngayon sa upuan.
Napakunot ang noo ko nang mapansin na ang tono niyang masigla ay naging malamig na ngayon. Pinanood ko ang paglagay niya ng kanin at ulam sa malamig niya ng pagkain. Palagi niya na lang ako hinihintay bago kumain.
"Okay ka lang ba, 'nak?"
Tinigil niya ang pagkain niya. "Opo," sabi niya at nagpatuloy ulit. Sunod-sunod ang subo niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/206860688-288-k688186.jpg)
BINABASA MO ANG
Tale Of A Moon
Roman d'amourOnce there was a girl named Luna. She lives in the reality where everything was blue and everything was misery with a touch of travail. She refers to herself with the moon who was sometimes in crescent or sometimes whole. Days passed and nights dark...