September 27-28, 2003
Ang mata ko ay biglang naglandas papunta sa may rearview mirror habang ang ulo ay nakadantay sa bintana.
Pagod na ako sa kakapanood kung saan ang daan na tinatahak namin.
Ang sabi ni Timothee ay malapit lang ang pupuntahan namin na fiesta dahil kabilang baryo lang... daw.
Pero nakalagpas na ata kami ng sampung malapit na baryo at wala pa rin kami sa dapat naming puntahan na gusto niya.
Pero kung worth it naman siguro ang pupuntahan namin ay okay lang.
Nakatitig lang ako sa salamin sa kotse kaso nga lang ay biglang may tumingin din doon.
Ang mata niya ay maitim.
Ang labi ay nagiging ngiti hanggang sa makita ang kaniyang ngipin na sobrang puti.
Ang buhok niya ay kinukuha ng hangin dahil sa bahagyang nakabukas na bintana.
Si Alex.
Nasa akin ang tingin.
Ang puso. Hindi mabigil ang malakas na bugso sa loob.
Ang tiyan. Tila nagkaroon ng isang bagay sa loob nito at sumasayaw sa aking loob.
Hanggang sa ang aking baga ay hindi na rin makahinga.
Nag-iwas na ako ng tingin agad bago pa lumalim ang aming tinginan.
Ang atensiyon ko ay binigay sa sarili at sa daliring ngayon ay nag-aaway dahil sa hindi mapalagay na binibigay na damdamin sa akin ni Alex.
Napakagat ako sa labi ko.
Pagkatapos ng sampung pasko ay nandito na kami sa gustong puntahan ni Timothee.
Kahit nga siya na sinabing malapit lang ay napagod din sa pagmamaneho kaya si Alex ang kapalit niya kanina.
Na ngayon ay katabi ko sa upuan dahil nagutom kami.
Huminto muna kami rito sa maliit na pagkainan.
Pero meryenda lang ang binili namin dahil hindi magandang sumakay sa ibang rides kapag puno ang tiyan mo. Isusuka mo lang mamaya.
May biglang sumulpot na bote ng coke sa akin. "Here. Panulak sa tinapay mo." Parang wala lang sa kaniya pero sa akin ay meron.
At sobrang laki non.
"Salamat... Alex." Hindi ko alam kung narinig niya ba ang mahina kong pagsalamat sa kaniya laban sa malalakas na sigaw ng mga tao na ngayon ay nakasakay sa vikings na malapit sa amin
"Ang bagal niyo naman kumain! Hello? Wala tayo sa five star na restaurant kaya wag niyo na namnamin 'yang supot! Tara na! Sakay na tayo sa vikings!" Hindi mapakali na sabi ni Timothee.
Umikot ang mata ni Anne.
Alam ko na at alam na namin kung ano ang mangyayari na susunod. "Mauna ka na kaya. You're so excited but we are so exhausted from that long trip! Ugh!"
BINABASA MO ANG
Tale Of A Moon
RomanceOnce there was a girl named Luna. She lives in the reality where everything was blue and everything was misery with a touch of travail. She refers to herself with the moon who was sometimes in crescent or sometimes whole. Days passed and nights dark...