March 29, 2004
"What?" Tanong niya sa akin habang ang mata niya ay malalim sa akin at ang labi niya ay tila nagtatanong sa akin.
Kinagat ko ang labi ko tapos ay iniwas ang tingin sa kaniya. Lumipat ito ngayon sa maitim na langit.
Ang mga puno ay nagiging kakaibang anino at ang buwan ay naging balintataw na puti sa gabing madilim.
Nilagay ko ang kamay ko sa aking puso at pinakinggan ang bawat tunog nito.
Dug.
Dug. Dug.
Dug. Dug. Dug.
"Alex..." Ang dulo nang pagbigkas ko sa kaniyang ngalan ay nagiging tunog ng hangin at sumasama sa agos nito.
Hanggang sa ang mga gusto kong sabihin ay nawala sa dulo ng aking dila at nalaman ko na hindi pa panahon.
Hindi pa ngayon.
Hindi pa ako handa.
Hindi pa kayang tuluyang bigkasin ng aking bibig ang salitang 'yun.
2017
"Andiyan na ata si Papa!" Sigaw ni Alex kaya naman nawala sa pagbabasa si Luna.
Pero hindi siya sumama sa pagtingin ng anak niya sa may bintana at nanatili lamang siya roon.
Iniisip ang mga salitang binabasa sa loob ng alaala sa mga librong ito.
Ngayon niya lamang napagtanto...
Hindi niya kailanman sinagot si Alex.
Hindi siya nasabi ang 'oo' sa kaniya sa buong buhay niya.
Napahawak siya sa kaniyang dibdib.
Parang sumasakit na naman.
"Ma?" Nagpawala ito sa malalim na pagsakit ng kaniyang puso at pag-iisip.
"Hindi po pala, si Papa 'yun. Akala ko siya," nalulungkot na sabi ni Alex tapos ay umupo sa tabi ng ina niya at yinakap ito nang patagilid.
Hinaplos ni Luna ang ulo niya.
"Uuwi naman siya, mamaya. Don't be sad na."
Kinagat niya ang labi niya at pinagpatuloy ang pagbabasa.
BINABASA MO ANG
Tale Of A Moon
RomanceOnce there was a girl named Luna. She lives in the reality where everything was blue and everything was misery with a touch of travail. She refers to herself with the moon who was sometimes in crescent or sometimes whole. Days passed and nights dark...