31

20 8 1
                                    

April 20, 2007

I could still remember everything na tila ba ay nangyari laang ito kahapon sa akin.

Parang nasa balat pa rin ang pakiramdam ko sa mga panahon na 'yun.

Napupuno pa rin ang puso ko -- para bang una kong naramdaman ang mga bagay na 'yun kahit sobrang tagal na talaga.

Parang kailan lamang noong una akong tumunton sa stage na akala ko ay hinding-hindi ko mararansan kailanman.

Parang kailan lamang ng matikman ko ang ngiti sa unang haplos ko sa diploma ko.

Parang kailan lamang noong nakilala ko si Alex at ngayon ay palagi ko ng hawak ang kaniyang kamay.

Ngayon ay may kasama na ako sa gabi at sa pagtingala sa buwan.

May kasama na ako sa katahimikan at kaingayan ng buhay ko.

Parang kailan lamang noong wala akong kaibigan at tinatanong ko pa ang mga tala kung kailan ako magkakaroon at ngayon naman ay sumobra pa sa inaasahan ang nasa akin.

Kahit na hindi na kami madalas nag-uusap, nandoon pa rin ang koneksiyon sa amin.

Minsan napapaginipan ko ang mga ala-ala ko noong bata ako at magigising na lamang ako bigla.

Kakausapin ang buwan at nagpapasalamat na isa na rin ako sa mga taong tumatapak dito sa mundo.

Isa na ako sa kanila.

Nag-aaral na ako.

Nakikiusap na ako sa kanila.

Wala na ang pakiramdam na, kapag nasa bahay ako, ay pakiramdam ko na nakakulong ako sa isang presinto.

Wala na ang mga bagay na 'yun.

Gusto ko yakapin ang batang ako na umiiyak sa gabi at nagagalit sa sarili gamit ang katawan ko ngayon na nalulungkot lamang sa mga paraan na normal at hindi na nagagalit sa repleksiyon sa salamin at ibulong sa kaniya na ang lahat ng bagay ay magiging maayos din.

Na ang lahat ng 'yun ay lilipas.

Hindi permanente.

Hindi habang-buhay.

The things that are only permanent at everlasting is true love and self-love.

At unti-unti ko nang tinatanggap sa aking balat, paghinga at puso ang mga bagay na 'yun.

At sinisigurado ko, nasasabi ko, na ang lahat ng ito ay totoo dahil ang paghinga ko ay sobrang naging maginhawa.

Plinantsa ko ang toga ko gamit ang aking kamay tapos ay pinagmasdan ang heels ko.

Nawawalan ng gana sa mahabang saad nang nagsasalita sa harap. Pero andito naman na ako, isang hakbang na lang.

Sumulyap ako sa taas, sa may bandang bleachers at sa puwesto na kung na saan ang magulang, kaibigan ko at si Alex.

Pero nang pagsulyap ko ay bumungad sa akin ang ngiti ni Alex, ang titig niya at ang bulong niya. 

Inikot ko ang mata ko sa kaniya, pabiro pero sinuklian ko ang kaniyang bulong ng isang 'I love you too.'

Tale Of A MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon