35

25 7 7
                                    

May 5, 2008



Hinawakan ni Alex ang kaniyang bibig para takpan ang papalabas na hikab sa kaniyang bunganga. 

Natigil ako sa pagnguya ko ng tinapay.

Kinuha ko ang kape ko at pinadulas ito papunta sa harap niya.

Napakurap pa siya ng dalawang beses hanggang sa mapagdesisyunan niyang kunin ito.

Nakikita ko ang pagkurba ng ngiti sa kaniyang labi kahit umiinom siya.

"Ako na lang magmamaneho," sabi ko. Nag-aalala sa kaniya.

Binaba niya ang kape. "No, ako na. Mapapagod ka lang and ssobrang lapit naman na natin." Ngumiti siya.

Nanatiling kunot ang noo ko. "Mas pagod ka. Kaya ako na ang magmamaneho."

"Luna..." Hinawakan niya ang kamay kona walang laman. "I said, ako na nga. I can handle myself."

Kinagat ko ang labi ko.

Pinanood ang mukha niya. Ang mata niyang isang ihip mo lang ay pipikit na sa unan at mukhang makakatulog hanggang sa isang buwan.

Hindi ko nakuha sa kaniya ang susi.

Siya tuloy ang nagmaneho habang ako naman ay nakatingin lang sa pagmamaneho niya at minsan sa may dinadaanan namin.

Nahihigit ko ang hininga ko tuwing may lumalapit na sasakyan sa amin.

Napahawak naman ako ng mahigit sa plastic water bottle ko tuwing napapikit si Alex dahil sa kaniyang paghikab.

Parang sa buong byahe namin pag-uwi sa apartment niya ay hindi ako makahinga.

Hindi maayos ang isip ko.

Hindi ako makampante.

Kinagat ko ang labi ko tapos ay kinuha ang gamit naming dalawa. Or ang mga bagay na hinayaan ni Alex na pabuhatin ako.

Pumasok na kaming dalawa sa elevator at hinayaan ko siya na isandal ang kaniyang ulo sa aking balikat.

Ramdam ko ang pagod niya sa bigat ng kaniyang ulo.

"Matulog ka agad pagkalabas natin dito at pagkapasok natin, okay?" Tanong ko sa kaniya at ngumiti sa repleksiyon naming dalawa.

Pero nawala ito at napaangat ang tingin ko nang umiling siya sa akin tapos ngayon naman siya na ang may maliit na ngiti.

Iniling niya ang ulo niya.

Nagulo ang noo ko.

"Alex?!"

"May lakad pa tayo. We have to meet our friends," paliwanag niya. Ang mata niya ay nangungusap sa akin.

Nag-iwan ako ng tingin. "Ako na ang makikiusap sa kanila na kailangan natin ibahin ang araw. Pagod ka at ako. I'm sure na maiintindihan nila 'yun."

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Tale Of A MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon