49

2 1 0
                                    

2009



"Sasabihin mo ba kay Sol na babalik ka na bukas sa New York, 'nak?" Tanong ni Mama sa akin.

Nakabihis ako ngayon. Nagyaya kasi ng date si Sol ngayon. Wala naman akong ginagawa kaya um-oo na ako sa kaniya.

Lumapit sa akin si Mama at siya na ang nagsuklay ng buhok ko.

Tumingin ako sa kaniya sa salamin tapos napakagat ako sa labi ko.

"Natatakot ako, Ma." Nakita ko ang pagkunot sa mata niya. "Baka magalit siya."

"Hindi naman ganun si Sol, anak. Maiintindihan ka nun, sabihin mo lang."

Hindi na ako sumagot kay Mama.

Totoo naman ang sinabi niya na hindi ganon si Sol.

But I still can't help but to be nervous. Especially that I didn't have him time to think about it since tomorrow will be my flight.

Hindi ko naman kasi aakalain na magtatagal ako rito at makilala si Sol.

"Sabihin mo lang yung totoo," dagdag ni Mama.

I'll miss her kapag nasa New York na ako.

I've grown up but I still, always, find her embraces and lugaw's when I want to cry. Lalo na ang turon niya.

I greeted Sol and after that, pagkapasok ko sa car niya, hindi na ako nagsalita. Pinag-iisipan kung paano sasabihin sa kaniya ang bumabagabag sa isip ko.

Sol has been nothing but consistent and sweet to me.

Palagi niya akong pinupuntahan sa cafe. Kahit na palagi naman siya roon before, iba raw ngayon kasi hindi raw pumapalya sa attendance si Sol. Naawa na nga ako sa kaniya minsan kasi baka kape na lang ang dumadaloy sa dugo niya.

Sa sobrang dalas niya sa cafe, nalaman ko kung ano ang favorite niyang pastry.

Ube ensaymada.

Tapos punong-puno na ang cafe ko ng bulaklak kasi palagi na lang siya may dala na bouquet. Habang tumatagal at ginagawa niya yun, nalaman niya rin kung ano ang gusto kong bulaklak.

Baby's-breath.

Kilala na rin siya nila Mama at Papa dahil sa dalas niya sa bahay na sunduin ako at ihatid ako pauwi. Pati nga si Kuya na minsan lang bumibisita sa bahay ay kilala na siya.

Hindi ko pa nasasabi kanila Timothee ang tungkol sa amin ni Sol dahil baka busy sila.

Bumuntong hininga ako at napansin kong andito na pala kami.

Bumaba na ako sa car niya pagkatapos niya ito buksan. Tumingin naman ako kay Sol na nakahilig ang ulo sa gilid. Nagtataka ay gumuguhit sa kaniyang mata.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya ulit.

Paborito niya 'yang linya kapag nag-uusap kami.

Tumango lang ako.

"Sure ka? Kanina ka pa kasi bumubuntong hinga. Tapos ang bigat pa."

"Okay lang ako, promise," sabi ko na lang sa kaniya.

Kahit na ang totoo ay problemado ako kung paano ko sasabihin sa kaniya na aalis na ako bukas.

Hindi ko mabasa ng mabuti ang menu dahil iisang isip lang ang pumapasok sa utak ko ngayon. Paano ko sasabihin sa kaniya.

Ang intimate ng date namin ngayon dahil candle-lit ito. May mga roses po sa nakalagay sa slender na vase tapos yung fire ng candle na nasa harap namin ay sayaw nang sayaw.

"Ikaw, Luna? Ano sayo?" Tanong ni Sol.

Napakurap lang ako sa kaniya. "Ah..." Tumawa ako ng pilit tapos tumingin ulit sa menu na hindi ko mabasa sa gulo ng utak ko. "Kung ano na lang yung sayo."

Nagtaka ang mata ni Sol.

Nag-iwas ako ng tingin.

Umalis na ang waiter ng sabihin ni Sol ang order ko.

Isang mahabang katahimikan ang dumaan.

"Kailan ang balik mo?" Napaangat ako nang tingin dahil sa sabi niya. "Sa New York?"

Kinuha ko ang water na nasa harap ko at uminom muna roon bago kumuha ng lakas.

Mentally, I exhaled a huge breathe and binaba na yung glass.

Napasulyap ako sa mata niya.

Agad din akong nag-iwas.

Parang nabawasan ang kinukuha kong lakas sa loob-looban ko.

Binuksan ko ang labi ko pero napakagat lang ako sa labi ko dahil walang salita na lumalabas.

"C..." Kita ko ang pagkagulo ng noo niya. "CR lang ako."

Tumayo na ako bago pa manghina ang mga tuhod ko o 'di kaya ay magbago ang isip ko.

Ang duwag, Luna.

Pumunta ako sa banyo pero hindi ko naman alam ang gagawin ko roon.

Tumingin lang ako sa salamin and reminded myself to try to be brave. Tinitigan ko ang sariling mata ko roon at paulit-ulit na sinasabi na subukan, subukan, try, try, try.

Kinuyom ko ang kamao ko and after a few seconds, unfurled it. Huminga ako ng malalim at hinugasan ang kamay ko tapos nagpatuyo.

I held the doorknob. It was cold. It was reverberating the air-conditioned room and my plan that won't stop sweating.

I twisted it but didn't open the door.

Naghintay ako ng ilang segundo.

One...

Two...

Three...

Lumabas na ako.

I walked towards our table.

I thought I'll gain courage only to found none.

Because the only thing that I gain is a bitter blockage in my throat and a sight for sore eyes.


Tale Of A MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon