3

55 17 10
                                    

May 06, 1992



Ang linya ay nasa aking mata habang ang hininga ay malalim. Pinanood ko ang mga puting blanko sa papel na mawala at mapalitan ng kulay na purple.

Binigyan na naman ako ni Mama ng coloring book at ginagamit ko ito para paglipasan ng oras dahil sa limitadong espasyo sa bahay namin, ako rin ay nabuburyo.

'Tsaka parang nalibot ko na na buo ang bahay namin sa sobrang kulong ko rito. Alam ko na ata ang bawat lungga ng langgam at kung ano oras sila kumukuha ng pagkain namin.

Ganiyan ang buhay ko. Nakakalungkot. Nakakaawa.

Pero meron naman akong Kuya na minsan ay iniibsan ang kalungkutan ko.

Wala nga lang siya ngayon kasi nag-aaral na siya sa school niya.

Natigil ako sa ginagawa kong pagkulay dahil sa kaisipan na 'yun at sa kaisipan ko rin na ano kaya ang mangyayari sa akin kapag ako ay pumasok na sa school.

Ang sabi ni Kuya Luke sa akin ay pagkatapos nitong taon ko, pupwede na ako sumama sa kaniya sa school. Parang mas nais ko tuloy na mabilis ang oras dahil dito.

Kasi ang ibig-sabihin nun ay may kaibigan na ako—magkakaroon—at palagi kaming maglalaro. Ipapahiram ko pa sa kaniya mga laruan ko, libro ko at bibigyan ko pa siya ng maraming meryenda basta magkaroon lang ako ng kaibigan.

Napatingin ako sa repleksiyon ko at nakita ko ang ngiti kong hindi pilit ang ang ideya ko na kaibigan ko.

Binaba ko rin ang tingin ko pagkatapos nun at nagpatuloy na sa pagsusulat. Ngunit ang dulo pa lamang ng aking kulay na lapis ang nahalikan ng papel at hindi ko pa naibudbod, nang biglang mag tumawag sa akin.

Nagsama ang kilay ko na dalawa at sumilip sa baba.

"Hello!" Malakas niyang sabi habang ang dalawa niyang kamay ay nasa paligid ng kaniyang bibig. "Anong pangalan mo?"

Ginaya ko kung na saan ang posisyon ng kamay niya habang ako ay nakadungaw pa rin sa kaniya sa baba. "Luna! Ikaw?"

"Kyle! Baba ka mamayang three 'a! Maglalaro tayo! Bawal humindi!" 

Magsasalita na sana ako kaso nga lang ay pinito niya ang ang nasa bike niya at mabilis na umalis sa paningin ko.

Habang ako naman ay lugmok na umupo sa upuan ko dahil hindi ko alam kung papayagan ba ako ng magulang ko na lumabas mamaya at kasama pa ang isang tao na hindi nila kilala.

Ngunit... gusto ko talaga maglaro kasama siya at baka nga si Kyle pa ang maging una kong kaibigan. Kinagat ko ang labi ko at nag-away ang daliri ko sa aking braso habang pinag-iisipan kung ano ang gagawin ko.

Dumating na ang hapunan at iyon naman ang pag-uwi ni Mama.

Sinalubong ko siya ng yakap at dapat ay sinabi ko na rin sa kaniya ang nais ko kaso nga lang ay parang may humahawak sa aking dila at hindi ko ito masabi.

Pinanood ko siya ihanda ang pagkain ko sa harap at dapat ay sabihin ko na sana ngunit nauna ang pagkain sa aking bibig bago lumabas ang tunay na dama at intensiyon.

Binigay niya sa akin ang aking medisina at dapat ay sinabi ko na sa kaniya ang tunay na gusto ko ngunit naunahan ng bilin na matulog na muna ako.

Hinatid pa ako ni Mama sa aking kuwarto. Hinalikan niya pa ang aking ulo. Ngunit ang aking bibig ay nanatiling nakatikom hanggang sa nagsarado ang aking pinto at hanggang sa tinitigan ko ang oras na tumakbo papuntang alas-tres.

Nakalaylay sa aking kuwarto ngunit tinaas ang sarili at iniwan ang ina noong makita ko na, na ang oras ay pumatak na.

Dahan-dahan... ako ay bumababa sa aking kuwarto, nilagpasan ko ang kuwarto nina Mama na walang ingay sa ngayon dahil sigurado ako na tulog siya ngayon.

Mahina ang aking pagtapak sa bilang ng baitang... ang labi ay nakatikom... hawak ang humihikbi na palad... hanggang sa ako ay tuluyan nang makababa.

Pinikit ko ang aking mata habang ang mahinang sigaw ng pinto namin ay tumunog. Naghintay ako ng ilang segundo... baka sakali ay bababa sila Mama mamaya at ako ay pagalitan.

Ngunit wala siya.

Kaya naman ako ay diretso nang lumabas. Pagtapak sa aming berde na harapan ay siya ring aking tingin kay Kyle na naka-bike pa rin.

Tinaas ko ang aking kamay at kumaway sa kaniya sa magandang asul na langit ngayon. Kumaway din siya pabalik at ako naman ay tumakbo papunta sa kaniya.

Ngunit ako ata ay nadapa dahil naramdaman ko ang hawak na hininga at napahawak ako sa aking baga habang hinahanap ang mga tamang salita para sa sagot kay Kyle sa kung ano ang gagawin kaso nga lang ay pinangunahan na ako ng kadilim.

Dinadala sa espasyong ayaw na, na balikan.

'''
kyle = secret person
If you love this chapter votes and comments will be highly appreciated.

Tale Of A MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon