44

2 1 0
                                    

2011



Bibilhan ko ang pamangkin ko ng laruan niya para regalo ko sa kaniya. Hindi niya naman birthday o ano. Gusto ko lang siya bigyan ng regalo. 

Just because it isn't a special occasion, that means you can't give gifts Luna, naalala ko tuloy yung sinabi na yan sa akin ni -- Ayaw ko sabihin ang pangalan niya.

That.

That was the reason why I didn't want to come home.

I've been only here for what? Two days? Twelve hours? 

Pero siya agad ang iniisip ko.

I bit my lip and try not to burden myselves from things I can't control.

Pumunta ako sa Toy R Us at bumili ng mga laruan para sa pamangkin ko. Pagkatapos ay pumunta na ako sa cash register.

"Para sa anak mo, Maam?" The cashier asked me.

Ngumiti lang ako at umiling sa kanya. 

Thoughts are again racing in my head.

I swallowed those thoughts and the hard lump in my throat.

Tumapak ako sa unang baitang ng escalator. Inangat ko ang tingin ko at pag-angat nito ay nakasalubong ko ang mga mata na nakita ko rin kanina. 

I just kept my eyes at him due to my curiosity.

Tumingin siya sa mata ko at unti- unti ring inalis yun at tinignan ang plastic bag na hawak ko. 

Dahil sa ginawa niya -- I mimicked him and also looked at his hand. But, sadly, it was empty and open for the air.

I looked away and tinuon ko na lamang ang tingin sa pagbaba ng escalator. 

For one last time, I looked at the escalator and found his back slowly becoming small. When he reached the top, tumingin din siya sa akin pabalik and we made contact.

Nag-iwas ako ng tingin at agad nang naglakad palayo roon.

Napahawak ako ng mahigpit sa plastic bag na hawak ko ngayon.

Ayaw ko sa apat na sulok ng kwarto ko kaya naman ay nagsayang muna ako ng oras gamit ang paglilibot sa mall.

It's crazy to think that the winds of life can change everything.

I still can remember so vividly the bookstores that Forsythia likes, any food stores that Anne and Forsythe would visit and Timothee's joke in each store we would go on. 

But... even if things had change -- some appeared and disappeared -- nasa isip ko pa rin... ang lahat ng memorya namin.

Umalis ako pagkatapos libutin yun, na-bored na rin kasi ako. Pumunta ako sa parking lot. Hinanap ko yung kotse ni Kuya na hiniram ko.

Wala kasi akong kotse kaya nang hihiram lang ako and besides, I'm not planning to say here for long, kaya there's no need to buy as if I'm sitting in money.

Tinuruan niya ako last week how to drive.

I went to my Kuya's car tapos ay inilagay ko ang mga pinamili ko sa likod. I sighed tapos ay ini-start na yung kotse.

As I was reversing, na-blangko ata ang utak ko at nagpatuloy lang sa ginagawa ko. Bumalik na lamang ako sa reyalidad ng may narinig ako na thud.

Nanlaki ang mata ko dahil dito. I stopped the cars engine tapos ay lumabas sa comfort ng kotse.

Ang puso ko ay malakas ang kabog. Kinakabahan. Hindi kasi maganda ang tunog ng pagkalabog.

Hindi naman mainit pero napahawak ako sa ulo ko dahil biglang sumakit ito. Napakagat ako sa labi ko habang ramdam ko ang lalong paglakas ng tibok ng puso ko.

Dumagdag na rin ang pawis na namumuo sa noo ko. Hindi lamang sa noo, kundi pati na rin sa gilid ng mata ko, may tubig na namumuo rito.

Tumingin ako sa paligid ko. Nakita ko ang isang babae na mataray at sa nipis ng kilay niya ay sanay sa public confrontation.

Pumupunta siya sa daan ko. Handa na akong tanggapin ang galit niya sa akin ngunit nilagpasan niya lang ako.

Paano kung mas malala pa sa kaniya ang may-ari ng kotse na 'to?!

Paano kung ano mamaya ang hingin sa akin bilang pambayad?!

Nanghina ang mga tuhod ko kaya naman ay napa-squat ako sa sahig.

Kagat-kagat ang labi at halos masugat na ito dahil sa ginagawa ko.

I kept on staring at the white scratch that contrasted the dark blue hues of the car.

"What the..." Biglang sabi ng kung sino kaya naman ay napatingin ako sa boses.

Nanlaki ang mata ko.

"I'm sorry," sabi ko kaagad at tumayo.

Muntik pa ako matumba sa harap niya pero buti na lang at hindi. Sobrang buti na lang.

He lift his arms up and scratched his hair. Pinanood ko yun hanggang sa mapadako ang tingin ko sa mata niya.

Those damn ebony eyes again.

"Oh... Ikaw ba?" Tanong niya, pertaining to the scratch.

"I'm sorry. Uhm." Hindi ko mahanap ang salita na nasa dila at utak ko.

Nakatingin lang ako sa baba at patuloy na kagat ang labi.

"Uh, okay ka lang ba?" Tanong niya.

Napakunot naman ang noo ko.

Tinignan ko siya, sunod sa mata. Alam ko na nakikita niya ang pagtataka sa mata ko dahil sa tanong niya.

Na-scratch ko na nga ang car niya, tapos siya ang magtatanong sa akin... kung okay lang ba ako?

"Oo, ikaw ba?" Ano ba? "Babayaran ko na lang yung damages. I'm sorry. It's my first time driving alone. Again, I'm sorry." I said that, trying to save myself from what the embarrassment na nangyayari sa pagitan namin ngayon.

Tinignan niya lang ako.

One...

Two...

Three.

Four.

Five.

He looked at me for five seconds 'tsaka nag-iwas ng tingin at ang mata ay nasa kotse niya naman ngayon.

Lumapit siya sa scratch. Tapos ay hinawakan ito.

Hinawakan niya ang kaniyang beywang at tumingin sa akin ulit.

"Okay lang, ano ka ba?" Tumawa siya sa akin and it sounded brighter than the sun.

"Hindi kaya," sabi ko.

"Okay lang."

"Nakaka-guilty. Dapat bayaran ko yan."

Kinamot niya ang ulo niya.

"Sige na nga, nag-i-insist ka eh. But..."

Pero ano?

Tumingin lang ako sa kaniya, ang ulo ay nakatagilid, hinihintay ang sunod na sasabihin niya.

"Pwede bang kunin ang contacts mo?" Tanong niya.

"Kukunin mo naman talaga? Para pag-usapan natin ang damages ko sa car mo?" Nagtatanong tanong.

Ngumiti lang siya sa akin. Tapos ay kinamot ang ulo.

"Oo nga pala..."

Ang hilig niya ngumiti.

Tale Of A MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon