July 15, 2003
Tinignan ko ang oras sa orasan ko sa aking papulsuhan ko at tama lang ito para 'di ako mahuli sa unang klase ko ngunit hindi rin ako maaga para makausap ang mga ibang kaklase ko.
Habang naglalakad ako papunta sa aming silid-aralan ay may nakita akong pamilyar na likod at bag.
Mula sa kumikinang nitong keychain sa zipper ng bag at ang kaniyang maitim ngunit nagiging kulay lupa sa tanglaw ng araw.
Tapos ang buhok ay sumasabay sa lundag ng kaniyang paa kaya agad kong nalaman kung sino siya.
Humabol ako sa kanya at sinabayan siya sa paglalakad.
Hindi niyo ako pinapansin at diretso lang ang tingin, ang bibig ay nakababa at sigurado ako na siya ay nagtatampo na naman sa kaniyang tatay na hindi siya sinamahan o 'di kaya ay pinansin.
Tahimik ang lakad naming dalawa maliban sa ingay na pumapaligid sa amin katulad na lamang nang usap ng tao at madami pang iba.
Nasa pintuan na kami ng silid-aralan namin pero hindi pa din ako pinapansin ng babae na ito.
Kinalabit ko naman ang kaniyang balikat na hindi karga ang straps ng bag niya ngunit ang kaniyang tingin ay wala pa rin sa akin.
Huminga na ako ng malalim.
Nilagay ko ang bag ko sa upuan ko nang makarating na at ngumiti ako sa kaniya nang iharap ang sarili.
Ngunit isang irap lamang ang naibigay niya sa akin kaya naman ay nawala na ang malaking ngiti sa aking labi at ito ay umunti.
"May problema ba tayo?" Tanong ko sa kaniya dahil ang kaniyang ugali na ito ay hindi na bago sa aking paningin sa taon na siya ay aking naging kaibigan.
Napahinga naman ng malalim si Anne tapos ay tinignan ako.
Umiral na naman ang kaniyang mata at nang-irap na naman sa akin.
"You're so annoying! Bigla ka na lang kasi nag-cancel ng going out natin noong sabado! That's not funny, okay?!" Ang kaniyang tonong naiinis ay rinig na rinig.
Napakagat ako sa aking labi.
"Kahapon pa ako sorry nang sorry sa'yo..." bulong ko sa sarili ngunit alam ko na ang pagsabi nito ay walang silbi.
Ngayon din ay naiintindihan ko na ang dahilan kung bakit hindi siya ito sinasagot kahapon sa aking mga mensahe.
"Sorry na talaga, Anne. May nangyari kasi kahapon bigla. 'Tsaka hindi rin ako pinayagan nila Mama kasi bigla akong nag-hyperventilate. Kaya sorry na talaga, please?"
Tinignan ko ang kaniyang mata ngunit tila tinatago niya ang kaniyang emosiyon sa pagpapasingkit ng kaniyang mata.
Ngunit nawala rin ang kaniyang tindig na ganito at ito ay napalitan ng isang mabigat na buntong hininga.
"Fine! I can't stay mad at you that long. I forgive you... as long as ililibre mo ako later for my recess."
Agad naman akong tumango sa kaniya at ang aking labi ay muli nang bumalik sa isang malaking ngiti.
Narinig ko ang mga kaklase ko na nagmamadaling pumasok sa labas at sumisigaw sa pagdating ng aming guro kaya naman ako ay umayos na sa aking upuan tapos ay nilabas na rin ang aking notebook.
Pinanood ko ang paglakad ng teacher namin papunta sa kaniyang mesa sa harap.
Isang pikit ko lamang ay agad na naming recess.
Hindi naman masyadong mahirap ang aming lesson sa aral na ito kaso nga lamang ay biglang nagbigay ng quiz ang teacher namin sa science kaya nagutom din ang aking utak kakaisip sa sagot.
BINABASA MO ANG
Tale Of A Moon
RomanceOnce there was a girl named Luna. She lives in the reality where everything was blue and everything was misery with a touch of travail. She refers to herself with the moon who was sometimes in crescent or sometimes whole. Days passed and nights dark...