33

18 7 6
                                    

April 25, 2008



Nothing could have made me prouder than to see, my Alex, na naglalakad sa stage. Ang ngiti ay malaki.

Ang mata ay nasa akin.

Ang puso ay tulad ng tibok sa akin.

Malakas. Hindi makapakali.

Gusto ko lamang siya yakapin and I'm sure, he does too.

Pumalakpak ako. But I stopped.

Nilagay ko ang kamay ko sa aking bibig tapos ay sinabi ng walang boses that I'm proud of him.

Ang mga itim na sumbrero na kasama ang toga ay hinalikan ang hangin at kumawala na nais hawakan ang langit.

Pero pagkatapos niya itapon ang sumbrero niya, ang hangin na hinalikan naman ng kaniyang labi ay akin at ang hinawakan niya ay ang buhok ko.

Kumawala lang ako saglit pero tamang oras na 'yun para sa kaniya para kunin ang sumbrero niya, isuot sa akin and danced with me around in circles.

I couldn't breathe in happiness and the way he was holding me.

"I'm so proud of you!" Sigaw ko sa kaniya nung ibinababa niya na ako.

"Thank you."

Hinalikan niya ang noo ko.

"I love you."

"I love you, too," sambit ko pabalik.

Habang nasa gitna ng hapag-kainan ang tatay ni Alex at tumatawa sa kwento ng anak niya, sinusubukan ko kalimutan ang mga kasamaang ginawa niya.

Sabi niya sa akin... Act like it's normal.

Kahit na hindi.

Huminga ako ng malalim.

"How about you, Luna? Do you have any funny stories with Alex?" Tinanong niya sa akin.

Niyaya niya ako sumama sa usapan nila.

Kahit na hindi ko naman gusto.

Niliit ko ang mata ko, sinusubukan isipin kung meron nga ba.

Of course, there's a lot pero... I don't know. Parang ayaw ko sabihin.

To say the stories is to share our intimacy with each other and I don't know... That makes me...

Hindi ako masyadong makagalaw sa damit ko ng maayos.

Pero sinubukan ko kasi Alex wished na kahit ngayon lang, we would be a normal family.

Kaya binuksan ko ang bibig ko. "Well, there was this time... Hindi pa natitikman ni Alex ang street food. Sa kaming lahat, Forsythe, Anne and other friends, we went out para i-experience kay Alex ang pagkain ng street food.

Then, we went there. Sa tusok-tusok. Mga fishball, kikiam and chicken balls. Tapos kumuha si Alex ng food. Then the sauces came." Napangiti ako sa susunod na sasabihin ko.

"Akala ko matamis, yung kukunin niya or maasim. But instead, he went and kumuha ng sauce sa may clear na sauce. Pero hindi talaga siya sauce, sawsawan 'yun ng sandok.

Tapos tinanong niya kami bakit walang lasa 'yung sauce. Natawa na lang kami ng malakas because of that."

Tapos lahat ay tumawa. At ang nagawa lang ni Alex ay itago ang kaniyang mukha sa mga palad niya. Tumataas ang balikat niya at alam ko na namumula ang pisngi niya.

Ginawa naming lahat 'yun.

Tumawa sa hapag-kainan.

Alalahanin ang memories, pero in a filtered way.

Wala ang sakit.

Wala ang pait.

Puro saya lang namin na memorya.

We were like a family, truly.

Pumasok kami ni Alex sa kwarto niya, tumatawa sa isa't-isa habang hawak ang braso namin.

Umupo ako sa kama niya habang siya naman ay pinatayo ako. Hinawakan ang kamay ko. Inakay ako. Papunta sa bintana.

Ang buwan, malakas ang kinang.

Ang bituin, nakangiti sa aming dalawa.

Ang dilim ng gabi ay tila hindi talaga madilim.

Kinagat ko ang labi ko.

Ginapang ni Alex ang kaniyang braso sa aking baywang at ako naman ay sumandal sa kaniyang dibdib.

"Do you want to escape? For a week?"

"Escape? Saan naman tayo tatakas?" Natawa ako ng mahina.

"Adulting. Bago talaga tayo mag-start sa bagong chapter ng buhay natin."

"Hmm, I don't know." Gusto ko talaga. Inaasar ko lang talaga siya.

"Come on, it'll be fun."

"Maybe."

"Kailan pa ba kita i-kiss before you'll say, we'll go?"

"Fine, I'll go."

We both laughed at our silliness.

Tale Of A MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon