May 5, 2005
Busy kami manood ni Alex.
Ang aking ulo ay nasa kaniyang kandungan.
Naudlot lamang ang masaya naming panonood dahil biglang tumunog ang telepono niya.
Napakunot ang noo ko sabay taas nang tingin. Nagtagpo ang mata naming dalawa.
Umalis na ako sa kandungan niya at inayos ang upo ko.
Hinayaan ko siyang sagutin ang tawag niya habang ginagamit ang mga daliri ko na haplusin ang kaniyang buhok.
Ang mata niya naman ay nasa akin habang ang isa niyang daliri ay inookupa ang cellphone niya at ang isa ay naglalaro sa kaniyang kandungan.
Bigla ay nagbaba siya ng tingin.
Natigil ako sa ginagawa ko sa kaniya.
Hinayaan ko siya matapos ang usapan nila ng kung sino man ang nasa kabilang linya.
Pero hindi ko alam kung papasa pa bang usapan ang ginagawa niya dahil hindi naman siya nagsasalita.
Parang hinahayaan niya lamang naa maging musika ang salita nung taong nasa likod ng kabilang linya.
Nang tanggalin niya sa kaniyang tenga ang telepono niya ay narinig ko ang sinasabi nung tao.
Narinig ko at natandaan ko ang boses.
"Okay ka lang ba?" Agad kong tanong sa kaniya.
Tinignan niya ako.
Diretso.
Sa mata.
"No, just weirded out kasi..." Napatingin siya sa malayo tapos sa akin muli. "Si Dad 'yun and he was sweet. Kahit noon, when he wanted something... hindi niya kayang lunukin ang pride niya para maging... Para maging normal siya na tatay. Tulad ngayon."
"Huh? What did he say?"
"Sabi niya... he wanted to have a whole family dinner. Dapat daw kasama ako roon."
"Tapos sobrang sweet niya sa'yo?"
"Yeah... he was saying things like... 'nak, you should come, it would mean everything to me' or 'miss na kita anak.'"
"Tumaas balahibo ko."
Tumingin siya sa akin tapos ay tumawa ng malakas.
Sinandal niya ang ulo niya sa aking balikat at bumalik na naman ako sa paghaplos sa kaniyang ulo.
"Maybe he's dying..."
Sumakay ako sa taxi papunta sa apartment ni Alex habang bitbit ang mga binili kong pagkain.
Kakagaling ko lang sa bahay tapos ay dumaan ako sa palengke para bumili ng kakainin namin na siyang iluluto ko.
Pumupunta ako kay Alex tuwing gusto ko.
Ayos lang naman kanila Mama basta ay 'wag lang daw ako matulog doon.
Takot daw sila kasi wala pa akong trabaho -- gusto ko kasi muna magpahinga 'tsaka nais ko rin na kasama ko si Alex na maghanap ng trabaho, ilang buwan na lang naman na, malapit na rin siyang makatapos -- naiintindihan ko naman sila kasi tama sila.
Ayaw ko pa rin magkaanak.
Bata pa ako.
Bata pa kami.
Pumasok na ako sa loob ng apartment niya.
Nasa akin naman na ang susi kaya hindi ko na kailangan pa mag-door bell.
BINABASA MO ANG
Tale Of A Moon
RomanceOnce there was a girl named Luna. She lives in the reality where everything was blue and everything was misery with a touch of travail. She refers to herself with the moon who was sometimes in crescent or sometimes whole. Days passed and nights dark...