January 5, 2004
Tumingin ako sa mata ng babaeng ngayon ay nakatitig din sa akin.
Kuha niya ang mabibilog kong mata, ang aking ilong, ang aking labi at ang buhok ko na ngayon ay maiksi na.
Hindi katulad dati na halos kainin na ang likod ko sa haba.
Ngayon ay hanggang sa balikat ko na lamang ito.
Si Aspen talaga ang may desisyon nito na sinakyan ko naman kasi gusto ko ring makita ang sarili ko sa bagong bagay.
Hindi pa kasi ako nagpapagupit kahit kailan 'e.
Bumaba na ako sa aking kuwarto nang matapos ko na ayusin ang sarili at suot na ngayon ang uniporme.
Pumasok na ako sa kotse namin na si Papa ang nagmamaneho habang hinihintay sila Kuya at Mama na lumabas sa loob ng bahay para tuluyan na kaming umalis.
Pagkalipas ng ilang pahina sa bagong libro na binabasa ko, dumating na silang dalawa.
Umalis si Papa sa tabi ko para tulungan sila ilagay ang bagahe ni Kuya sa may trunk ng kotse namin.
"Kuya, ma-mi-miss kita." Niyakap ko siya ng mahigpit habang ang tunog ng mga eroplano na papaalis ay nasa aming likod.
Dati, sa pakiramdam ko, matagal pa ang pag-aalis niya.
Kahit noong dumating na ang bagong taon, kasama ko pa siya magdiwang, hindi pa rin pumapasok ng tuluyan sa aking isip na kahit ilang minuto ay aalis na ang katabi ko.
Siguro... kapag nasa harap mo na, 'tsaka lang talaga malalaman ng isip mo na aalis na talaga 'yung tao kapag sumakay na siya sa eroplano habang hawak mo ang kamay ng Mama mo na ngayon ay umiiyak sa pag-alis ng kaniyang panganay sa asawa niyang ngayon ay napapalunok, hindi mo alam kung iiyak ba o sinasabihan ang anak sa isip ng mga bilin.
Napataas ang tingin ko sa aking libro habang nakaupo sa silid-aralan namin.
Tinignan ang tao na kakapasok lamang.
Akala ko naman kung sino, si Anne lang pala 'yun.
Naglabas ako ng ngiti sa kaniya at tinago na muna ang binabasa tapos ay naglakad papunta sa kaniya, kahit na ang direksiyon ng kaniyang paa ay sa akin din.
"Oh my gosh!" Hawak ang dalawang pisngi na sabi niya. "What did you do to your hair?!" Inikot niya pa ako para ang aking likod ay ang kaniyang harap.
Napakagat ako sa labi ko. "Bakit? Hindi ba bagay sa akin?" Nag-aalala kong tanong sa kaniya at parang pumapasok sa isipan ang pagsisisi.
Kumunot ang noo niya dahil sa aking salita. "Hindi! It actually looks good and I'm just surprised that this kind of haircut fits you but you haven't done it yet! Not until now!"
Abot na ngayon ng langit ang aking ngiti dahil sa sinabi niya.
Agad kong nilagay ang braso ko paikot sa kaniyang balingkinitan na katawan at natatawa habang natutuwa dahil sa kaniyang simpleng salita lamang.
Dumating na ang lunch break namin at nagdadalawang isip ako kung kakain ba ako o hindi kasi mamaya ay kasama ko sila Alex at ang iba pa naming kaibigan at natatakot ako sa bagay na 'yun.
BINABASA MO ANG
Tale Of A Moon
RomanceOnce there was a girl named Luna. She lives in the reality where everything was blue and everything was misery with a touch of travail. She refers to herself with the moon who was sometimes in crescent or sometimes whole. Days passed and nights dark...