8

41 13 3
                                    

tw// self-harm
July 24, 2003



"Do you actually do it?"

Nanahimik ako.

Hindi alam ang maisasagot kay Anne dahil sa kaniyang tanong.

Ayaw kong magsinungaling sa kaniya dahil nasa masama na akong pwesto sa kaniya at ayaw kong mas lalong iusog ang pwesto ko na 'yun papunta sa negatibong parte hanggang sa pumanaw na lang siya bigla sa akin.

Tinignan ko lamang siya sa mata. 

Ayaw bigyan ng salita dahil takot na baka kapag binuksan ang bibig, ang lalabas ay isang katotohanan--katotohanan naman talaga.

Kaso nga lamang ay takot ako.

Baka kasi ako tumakbo na naman siya palayo sa akin.

Kaya ang sagot ko sa kaniyang tanong ay binibigay ko sa aking tingin sa kaniya.

"Luna, when? When did you start doing that? I-I'm your friend and I never knew... I'm such a bad--I'm a bad friend!"

"Anne, hindi. Hindi mo kasalanan ito. 'Tsaka hindi ka ring masamang kaibigan. Malayong-malayo ka roon at... at ako ang may kasalanan nito kaya puwede bang 'wag na 'wag mong sisisihin ang sarili mo? Hindi ko kayang gawin sa'yo na tumira ka sa isang bula na hindi naman ikaw ang may kasalanan..."

Akala ko ay hindi niya mapapansin ang sugat sa aking papulsuhan.

Ang palagi ko kasing suot na bracelet na bigay sa akin ng nanay ay hindi ko mahanap at tila may kumuha kaya naman todo takip ako sa aking papulsuhan simula kaninang umaga pa lamang kapag ikaw ay nasa malayuan ay hindi mo makikita ang guhit ng dugo rito.

Makikita mo lamang ito kapag nais mo talaga makita.

Pero alam ko na hindi niya 'yun kita sa kasalukuyan.

Alam ko.

Pero kasi, pakiramdam ko, kapag wala ang bracelet ko... nakikita ako ng buong tao.

Nakikita nila ako at ang mga bagay na pilit kong tinatago.

Upang magmukhang normal. 

Kasi hanggang ngayon 'yun pa rin ang nais ko.

'Yun ang gusto ko.

Huminga ako ng malalim at nagulat na lamang dahil niyakap ako ni Anne.

Ramdam ko ang pagmamahal sa yakap niya at ang bawat hinga niya sa bawat hikbi.

Hinaplos ko naman ang likod niya kasi umiiyak na naman siya dahil sa akin.

Napakagat ako sa aking labi.

"Anne, mahal kita. Kaya puwede bang 'wag ka na umiyak muna? Kasi kapag--kapag iiyak ka, iiyak din ako..." ani ko sa kaniya habang paulit-ulit na lumulunok.

"But, Luna!" Reklamo niya at mas lalong lumakas ang hikbi niya.

Hindi naman kasi siya ang may kasalanan sa mga sugat ko.

Ako ang may kasalanan dahil bumalik na naman ang lahat at ang kalungkutan ay masyado akong kinakain muli. 

Parang alon na umatake na naman sa akin nang inaakala ko na ay nasa kalagitnaan ako ng daanan ngunit ako ay narito.

Tale Of A MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon