21

26 10 0
                                    

February 15, 2004



"Hindi ko sinasadyang saktan siya ngunit anong magagawa ko? Nasaktan ko na siya." Binaba ko ang tingin ko at kinagat ko ang labi ko.

"Ang mga salita ko ay para sa akin. Pero bakit naging salamin siya nito? Bakit naibigay ko sa kaniya ang mga salitang ito? Hindi--hindi ko maintindihan ang sarili ko sa totoo lang.

Bakit ko ba siya pinipilit na sabihin sa aking mahal niya ako? Hindi pa siya handa. Hindi pa ako handa.

Parehas kaming hindi handa."

Natahimik ako pagkatapos ko sabihin ang panghuli kong salita sa buwan.

Kinagat ko na naman ang labi ko habang sinusubukan na tanggalin ang aking luha na ngayon ay kanina pa umaapaw sa aking kandungan.

Masyado pa kaming bata para magkaroon ng relasiyon, iyon ang totoo.

Hindi pa kaya ng aming mga maliit na utak at unang puso ang magmahal.

Ngunit pwede naman kaming magbago 'di ba?

Ako talaga ang problema sa aming dalawa.

Ako. Ako. Si Luna.

Si Luna na hindi alam kung paano itago ang mga ayaw niya sa kaniyang sarili at hayaan na lamang ang sinasabi ng mga tao.

Si Luna na  hindi kayang itago sa kaniyang bulsa ang kawalang tiwala niya sa kung paano ang kaniyang katawan ay puno ng peklat.

Si Luna na madaming mali.

Hindi katulad ni Alex na parang isang anghel at alam ko na hindi ko kailan man siya mapapantayan.

Dahil magkaiba kaming dalawa.

Siguro ay kailangan ko muna hanapin ang sarili ko.

Mahalin ang sarili ko para pumasok ulit sa kaniyang panliligaw.

Pero ayaw ko 'yun.

Ayaw ko muna siyang bitawan dahil paano kung sinabi ko na maghintay muna siya...

Tapos ang susunod na lamang sa aming hakbang ay ang pagkadistansiya hanggang sa kaming dalawa ay tuluyan nang nawalan na parang bula.

Ayaw ko nun.

Kasi kahit alam ko na ang hakbang ko patungo sa aming dalawa ay mahihina at hindi matutumabasan ng kaniyang talon, gustong-gusto ko pa rin siya.

Hindi makukumpleto na muli ang pagmamahal ko sa kaniya kapag gano'n.

Bakit ko ba siya pinilit na sabihin sa aking mahal ko siya? Ni ako nga hindi alam kung paano sabihin sa kaniya 'yun.

"Bakit ba ang bobo ko? Bakit ba hindi ko muna pinakinggan ang kaniyang sasabihin o inintindi muna siya? Baka--baka... kapag nalaman ko kung ano ang kaniyang dahilan ay hindi ako nandito na parang tanga.

Parang bumabalik na naman sa dati na kausap ko ang buwan. Ang bobo ko. Dapat hindi ako umiiyak. Wala akong karapatan." Pinunasan ko ang aking luha habang sinasabi ang mga salitang ito.

"Mas madami pa ang problema ng iba. Nagugutom sila tapos wala pang bahay, pero bakit-" tumawa ako sa aking sitwasyon-"bakit ako umiiyak dahil may posibilidad lang na ang una kong pagmamahal ay mawawala? Wala akong karapatan."

Tinignan ko ang mukha ko sa salamin nang sumalubong na sa akin ang ngiti ng haring araw.

Kaya nagising na rin ako. Kahit na medyo tanghali na.

Tale Of A MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon