4

49 16 5
                                    

August 13, 1992



Napahawak ako sa isang bagay habang ang mata ko ay dinilat ko. Ang unang bumungad sa akin ay ang puting taas na ang akala ko ay nasa langit ako ngunit hindi ko naman kita ang mga anghel na lumulutang kaya naman ay nilipat ko sa tabi ko ang aking tingin. 

Nagising ng buo ang diwa na parang may kumagat sa akin at saka ko lamang napansin ang bote na nakababa habang ang pilak nito na estante ay nasa aking tabi. Isang mahabang linya ang sinundan ko at nakita ko ang maputing linya ngayon na kung saan ang dulo ay karayom na nasa kamay ko.

"Hindi..." iniling ko ang ulo ko habang mas lalong higpit ang hawak ko sa tela ko. 

"Luna! Anak!" Biglang sabi ng nanay ko at napaangat ang tingin ko sa kaniya.

Kinunot ko ang noo ko at pansin ko ang pagkuha ng kulay ng mata niya sa mga tubig na dahil sa pag-aalala. Parang kinuha ang karayom ko sa may kamay ko dahil tumusok ito ngayon sa akig puso habang pinapanood ko ang aking inay na nagmamadali tumawag ng kung sino. 

Ngunit bakit ako nandito? Bakit ako bumalik sa pwestong ayaw na... ayaw ko? Bakit... pakiramdam ko... nasa unahan ulit ako?

Para akong mabigat na bato at kanina ay mahina lamang ako lumulubog sa inaakalang maiksi at hindi malalim na tubig ngunit ako ngayon ay ako ay tuluyang lumubog at napagtanto na sobrang lalim nito at hindi ako makahinga dahil sa sakit. 

Andito na naman ako... 

Sa lugar na ayaw ko at sa lugar na pakiramdam ko ay ikakakamatay ko ulit. 

"Ma!" Nakuha nito ang atensiyon ng aking ina. "Ayaw ko rito! Bakit ako narito?!" Tanong ko sa kaniya habang sinusubukan tanggalin ang dikit na alam na alam ko na dahil sa dalas ko itong maramdaman.

"Luna..." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko na tinatanggal ang karayom. Ngunit nagmalakas ako.

Tinatanggal ko kasi gusto ko nang umalis. Gusto ko na sa bahay! Ayaw ko na rito!  

"Alisin niyo ako rito, Ma!" 

"Magaling na ako, Ma!"

"Hindi ko na kailangan ang hospital na 'to!"

Niyayakap niya ako pero winawaksi ko ang gusto niyang kalinga kasi ngayon, ang gusto ko lamang ay ang bahay namin! Ang tahanan namin at hindi ito! 

"Pakawalan niyo na ako!"

Nawala ang lahat ng pakiramdam ko dahil ramdam ko ang mahinang pagtapik ng kung ano sa aking balat kaya naman bumigat ang aking talukap. Ang huling paghinga ay sabay sa sabing 'paalisin niyo ako rito', at muli ay niyakap na naman ako ng kadiliman dahil wala namang bago sa buhay kong ito.

Hinawakan ko ang isang bagay habang nilipat ang ulo sa kabila at kabila muli. Bigla ay may bumulong sa akin na malamig na hangin kaya naman ay napadilat ang aking mata at ang unang bumungad sa akin ay ang maputing kisame. 

Alam ko na ito ay isang kisame dahil walang ulap at kung maaari man ay hindi ako makakapunta sa langit dahil mas nais ko ang gabi kaysa sa nakakabulag na ilaw ng araw. Nilipat ko ang tingin ko sa aking kamay dahil ramdam ko ang bigat nito.

Nang makita ko ang karayom na nakabaon sa aking kamay ay agad akong nag-angat ng tingin. 

Pansin ko ang kaniyang mahimbing na tulog. 

Napakagat ako sa aking labi at hinaplos ko ang aking tiyan. 

''Ma," bulong ko sa hangin ngunit ito ay naging tahimik dahil sa boses na nawawala.

Tale Of A MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon