2

59 18 7
                                    

April 26, 1992



Pangatlong taon ko na sa mundong ito at hindi ko pa rin alam kung bakit ako ay hindi pwedeng makalabas, hindi ko pa rin alam kung bakit ang aking bibig ay natatakpan ng mask na nagbibigay sa akin ng hangin.

Hindi naman kailangan nila Mama o Kuya ang bagay na ito kaya gusto kong tanggalin kaso nga lang ay magagalit sila sa akin at ang luha ay muling tutulo sa mata ni Mama.

Ayaw ko ang bagay na 'yun.

Sa tingin ko, sa pag-ikot ng mundo ay isang pabigat lamang ako.

Hindi naman nila binigkas ang mga salitang 'yan sa akin ngunit sa aking bawat galaw ay ramdam ko ang bawat ingat at ang bawat buntong-hininga, ang mga lihim na salita na kanilang binitawan na trabaho o gawain para sa akin.

Hindi ko naman hinihingi ang bagay na 'yan ngunit binibigay nila sa akin katulad na lamang ng aking sakit.

Sabi ng doktor, narinig ko rati, na ang aking baga ay may komplikasyon, hindi raw ako normal at mga bagay na nakakapag-kunot sa noo ng aking ina at ang pagbuo ng butil sa gilid ng kaniyang mata.

"Anak, anong gusto mo? Gusto mo nung cake mo?" Tanong ni Mama habang kami ay nasa hapag-kainan.

Onti lamang ang bisita ko ngayon sa aking kaarawan dahil ay hindi rin ako masyadong pwede sa maraming tao. Iba raw kasi ang hangin na binibigay nila, baka mas lalong lumalala ang sakit ko.

Napapikit ako at napadilat din muli. "Ayaw ko po, Ma." Pinaglaruan ko ang kutsara at tinidor ko sa aking harap na nasa itaas ng blankong puting plato.

"Wala ka pang kinakain 'e. Masama 'yan. Gusto mo bang bumalik na naman sa doktor, anak?" Tanong ni Mama sa akin.

"Babalik naman po talaga ako. Sabi po ni Doc kailangan ko 'e."

"Anak naman 'e."

Napatingin ako sa aking inay dahil sa kaniyang boses at linya na 'yan.

Alam ko agad na ang pag-alala ay gumuhit sa guhit ng kaniyang noo at ang pilit niyang ngiti ay nawala, napalitan na ngayon ng simangot.

Palihim ang bumuntong hininga na aking nilabas at ramdam ko ang pagbigat ng aking dibdib.

Hindi ko naman sadyang napahawak sa aking dibdib dahil sa isang daang tolenada na narito ngayon.

Hindi ko ninanais na hawakin ito na tila ba ay nahihirapan ako sa aking paghinga, ngunit sa kanilang mata ay ito ang aking nasa pakiramdam kaya ang aking ina ay kumilos na tila ba ako ay nasusunog.

"Okay ka lang ba? Jusko! Luke, tulungan mo ako! Iakyat natin kapatid mo sa taas!"

Nagising ako sa malalim kong pagtulog. Napabangon agad ako at naglakad papunta sa aking bintana tapos ay nilanghap ang hangin sa aking kuwarto.

Alam ko na malalim na ang gabi at ang buwan ay hawak na naman ako sa aking gising na gising na katawan dahil palagi akong tinatawag ng mga ito tuwing sa ganitong oras.

Pinagmasdan ko sa likod ng salamin ng aking bintana ang pagyakap sa akin ng bituin at ng buwan.

Sinubukan kong maglabas ng ngiti sa kaniya dahil siya lamang ang nagbibigay ng kaluwagan na ako ay isang normal na tao at hindi katulad ng mga tao sa aking paligid na umaakto na tila bawat galaw ko ay mamamatay na ako.

Ngunit kahit ngiti ay hindi ko kaya kasi, hindi na ako normal at alam ko 'yun.

'''
ang tagal ko nag-update! sorry, im writing offline naman as always, tinatamad lang ako mag-edit also, i might get busy para sa schools so :))
If you love this chapter, votes and comments will be highly appreciated.

Tale Of A MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon