January 5, 2004
Hindi ako makatulog.
'Yung dalawang babae na katabi ko ngayon ay mahimbing na ang tulog at malamang na malayo na ang lakad sa kanilang panaginip.
Kinagat ko ang labi ko.
Naglakad ako papunta sa bintana ko.
Hinila ko rin ang upuan na nasa harap ng study table ko.
Sinandal ko ang braso ko sa stool ng bintana ko habang nakatitig sa buwan na ngayon ay kumikinang sa aking mukha kasama ang ibang mga tala.
Ang ulo ko naman ay ginawang unan ang braso ko.
Waxxing Gibbous. Ang intermediate phase ng buwan na nagsisimula sa Foorst Quarter kapag ang naiilawan ay fifty percent. Napag-aralan namin ang phase ng buwan na nasa harap ko ngayon.
Parang dahil dito ay mas nalaman ko pa at napalapit ang loob ko sa buwan ngayon.
Napabuntong hininga ako.
"Ang tagal na pala nating hindi nag-usap 'no?" Bulong ko sa walang buhay na buwan. "Parang kailan lang... sinasabi ko sa'yo ang pag-aaway namin ni Anne. Hindi ko naman na kailangan sabihin sayo kung ano ang nangyari 'di ba?"
Nilaro ko ang daliri ko sa kahoy na sinasandalan ng aking braso at ulo.
"Tunog baliw na ba ako kapag sinabi kong... alam ko na nakita mo 'yun kasi pinapanood mo ako palagi at alam mo kung ano ang nangyayari sa akin sa kasalukuyan.
Kumbaga, ikaw 'yung camera habang ang buhay ko ay nagiging isang pelikula. Mas baliw ata pakinggan 'yun. Ako nasa loob ng pelikula... Walang manood ng buhay ko kaya. Ayaw nila ng isang istoryang kaawa-awa.
Sigurado ako na kung nakita lang nila ang nangyari kanina... agad na silang aalis sa sinehan. Nakakatawa kasi ako. Nakakaawa. Nakakainis pa. Sino ba namang hindi makakaradam ng mga bagay na 'yun sa akin? Sinabi na nga ng taong gusto ko na gusto niya rin ako... tapos anong ginawa ko?"
Tumawa ako mag-isa.
Pero sa pagkalabas ng hangin sa aking bunganga ay siya ring labas ng butil ng luha.
Ginamit ko ang damit ko para punasan ang mga ito palayo sa aking pisngi.
"Pero kasalanan ko ba 'yun? Kasalanan ko bang ilayo siya sa akin at sa kaniyang nararamdaman kasi alam ko-- alam ko na hindi pa ako handa? Kasalanan bang maging hindi handa?
Ha? Kasalanan ba na ayaw ko sa ideya niyang pumasok sa bagay na sobrang komplikado habang inaasahan niya na masosolusyunan namin ang problema habang nasa loob nito?
Ayaw ko nun. Kasi paano kung malaki pala ang problema? At paano kung-- paano kung nalaman niya talaga ang totoong ako--" mas lalo akong naluha dahil sa pagkasira ng boses ko--"sa mga problema ko. Sa mga bagay na ayaw ko sa sarili ko. Sa akin. Paano kung ang problema na 'yun ay nasa akin mismo?
Mas masakit na ang aming pagmamahalan pero hindi pa nga ito nagsisimula."
Nasa kalagitnaan pa lang kami nang pagluluto ni Forsythia ng almusal namin nang biglang umupo si Anne sa hapag kainan namin habang binibinat pa ang kaniyang buto-buto.
Ang tulog ay hindi pa rin iniiwan ang kaniyang lumobong mukha at nagulong buhok.
"What's for breakfast?" Inaantok na tanong niya.
"A help in the kitchen." Nakataas na ang kilay ni Forsythia.
"Can't. Tired from the drama yesterday."
BINABASA MO ANG
Tale Of A Moon
RomanceOnce there was a girl named Luna. She lives in the reality where everything was blue and everything was misery with a touch of travail. She refers to herself with the moon who was sometimes in crescent or sometimes whole. Days passed and nights dark...