April 26, 2008
"Ano ba yan Alex!" Tumalikod ako sa kaniya at pinikit ulit ang mata ko. Sinusubukan hanapin ang tulog na nawala sa akin.
"Luna..." Ang boses niya ay nilalambing ako.
Ramdam ko rin ang kaniyang daliri sa aking balikat. Sinusubukan ako gisingin.
"We'll be late if you keep sleeping. Akala ko ba, gusto mo pumunta?"
Nagising na ang buong diwa ko dahil sa sabi niya sa akin.
Nanlaki ang mata ko tapos ay humarap na ako sa kaniya.
Bumungad sa akin ang labi niya na nakangiti tapos ang mata niyang gising na gising.
Lumapit siya sa akin at ang kaniyang labi ay hinalikan ang aking noo.
"Good morning."
"Aalis na talaga tayo?" Tanong ko... softly. "Ngayon na? Kakasabi mo lang sa akin 'yan kanina 'a."
"Oo nga..." Hinawi niya ang ibang buhok na humaharang sa mukha ko.
"Yes... Ngayon na."
"What..." Napakunot ang noo ko. "Akala ko... bukas pa. Hindi pa ako naka-pack ng gamit ko, Alex."
"Ginawa ko na. Well, not all. Your accesories and shenanigans are yours to pack. 'Yung mga damit mo lang naman ang nilagay ko sa maleta natin."
Napaliit ang mata ko, para bang may pumasok na araw ay akala ko ay mabubulag ako pero ang totoo, wala pa naman kasi madaling araw pa lang. "Maleta natin? Paano mo naman alam ang mga gusto kong suotin?"
"Puro sweaters mo lang naman at jeans ang mga nandoon. Malamig sa Sagada kaya 'yan lang ang kailangan mo."
Nanlaki na naman ang mata ko.
Sagada?!
"Ang layo nun! Tapos hindi pa ako nagpapaalam kanila Mama!"
Parang bata na pinagbigyan bilhan ng candy ang ngiti niya ngayon. "I already did... Nung nakatulog ka... Habang nag-iimpake ako ng damit nating dalawa..."
Napatitig ako sa kaniya.
Ilang segundo.
Walang sinasabi.
Basta ang mata ay nasa kaniya.
Tapos... Unti-unti... Niyakap ko siya.
"I love you. So much."
"Hmm? How much?"
Nag-isip ako sa hininga ng perfume niya at sa tunog ng malakas na tibok ng puso niya.
"More than the endless skies. More than the heavens at mas mahaba pa sa rainbows."
Binuhat ko na ang bag ko at sinuot sa likod ko. Huminga ako ng malalim tapos ay tumayo na mula sa pagkakatali ko ng sintas.
Nilahad ni Alex ang kaniyang kamay ay pinagkonekta ang aming linya sa aming palad.
Pumasok na kami sa loob ng kotse at dumaan muna kami sa may drive-thru para bumili ng pagkain kasi hindi pa kami kumakain ng kahit ano.
BINABASA MO ANG
Tale Of A Moon
RomantikOnce there was a girl named Luna. She lives in the reality where everything was blue and everything was misery with a touch of travail. She refers to herself with the moon who was sometimes in crescent or sometimes whole. Days passed and nights dark...