February 14, 2004
Hala.
Tumingin ako sa bawat anggulo ng mukha ko. Hindi makapaniwala na ako ngayon ang nasa harap ng salamin.
Nakakagulat lang kasi at nakakapanibago na ang mukha ko ay kumikinang, ang pilikmata ko ay tila lumilipad habang ang iba kong parte sa mukha ay mas lalong nadepina.
Parang hindi nga ako ang nasa salamin ngayon.
Napapikit ang mata ko dahil bigla na lamang kumuha ng litrato si Mama. Ang kinang ng flash ay tinalo pa ang araw na ngayon ay bumababa na.
"Ang ganda mo 'nak," sabi ni Mama sa akin sabay halik sa pisngi ko.
Natawa naman ako sa kiliti dahil sa ginawa niya sa akin. "Talaga ba, Ma?"
"Oo naman, siyempre! Nako sigurado ako na kapag makikita ka ni Alex ay mas lalo siyang mahuhulog sa'yo!"
Nanlaki ang mata ko.
Bigla niya na lamang 'yan sinabi habang nandito pa ang kaibigan niya na gumawa sa aking mukha!
Napayuko ako habang hinawakan ang sariling damit dahil sa hiya at sa pamumula ng aking pisngi.
Jusko!
May kumatok sa pinto kaya naman natigil ang usapan nina Mama at siya na ang unang nagbukas nito.
Sumilip ako kahit na hindi ko naman nakikita sa aking kinauupuan kung sino ang nasa harap ni Mama ngayon.
"Ready na po ba si Luna?" Tanong ng pamilyar na boses na alam na alam ko.
Tinignan ko agad ang sarili ko sa salamin.
Alam ko na perpekto na ito pero tila may bumubulong sa akin na bubuyog na kinukulit ako tungkol sa aking anyo ngayon.
Na dapat ay maganda ako mula anit hanggang kuko dahil kasama ko ang isang tao, na aminin ko man o hindi ay sobrang perpekto niya mula sa akin.
Tinawag ako ni Mma kaya naman ay pumunta ako patungo sa kaniya upang batiin na rin si Alex at makaalis na kami para pumunta sa school.
Diretso lamang ang tingin ko sa lalaking ngayon ay hawak na naman ang isang tangkay ng rosas na palagi na lamang nakapulupot sa kaniyang mga daliri.
Bigla ay hinawakan niya ang kaniyang dibdib habang ang kaniyang mata sa aking kinatatyuan at sigurado ako ay kumikinang ngayon sa aking direksiyon.
Nahigit ko ang hininga ko.
Inisip niya bang pangit ako?
Inisip niya na ba ang totoo na hindi ako bagay sa kaniya?
Inisip niya ba na ayaw na niya sa akin?
"Wow, grabe... ang ganda mo. I mean maganda ka naman na rati pa pero parang... You look like a princess. Sobrang ganda mo, Luna."
Gusto kong maiyak dahil sa kaniyang salita.
Pero iniwas ko na lamang ang tingin ko sa kaniya at tumawa sa aking gilid na kung na saan si Mama na ngayon ay para akong inaasar dahil sa malaki niyang ngiti at dalawang kilay na nakataaas.
BINABASA MO ANG
Tale Of A Moon
RomansaOnce there was a girl named Luna. She lives in the reality where everything was blue and everything was misery with a touch of travail. She refers to herself with the moon who was sometimes in crescent or sometimes whole. Days passed and nights dark...