August 8, 2004
Tumingin ako sa labas tapos sa loob ulit.
Takot na baka ako ay pagalitan ng guro namin kapag nahuli na ako ay tumitingin na sa labas dahil na oras niya pa na magturo kahit sobrang lapit na ang oras niya.
Napakagat ako sa labi at muling sumulyap sa labas kung saan ay hinihintay kami ni Timothee.
Nilaro ko ang kamay ko sa walang laman na arm chair ko. Kanina pa nasa loob ang aking mga notebook at ballpen.
Hindi na ako nag-aksaya pa na ilabas ito at magsulat.
Hindi ako makapaghintay na lumabas na upang samahan si Timothee at kami ay pupunta kay Alex.
Napakagat ako sa labi ko.
Bigla ay tumunog na ang kampana namin na nagsasabing oras na para kami ay umalis.
Naging alerto ang aking katawan at ilalagay na sana ang straps ng aking bag sa balikat upang ako ay aalis na kaso nga lang ay nagbigay ang guro namin ng gawain sa bahay kaya wala akong magawa kundi magbuntong hininga.
Nilabas ang aking kuwardeno at isinulat ang nasa blackboard.
Alam ko naman kasi na hindi isusulat 'yan ni Anne.
Talagang natapos na ang araw namin sa silid-aralan kaya lumabas na ako.
Naglakad kay Anne na nauna na sa akin at inaaway na naman si Timothee.
Minsan talaga napapaisip ako kung bakit niya gustong-gusto na awayin si Tim, baka ay nagpapansin dito kasi crush niya.
Natawa ako sa isipin na 'yun.
Nanguna na ako sa paglalakad at iniwan silang dalawa roon.
Pero akala ko ay hindi susunod sa akin si Anne kaya gulat ko na lamang nang may pumulupot na daliri sa mga blanking espasyo ng aking kamay.
Tinaas ko ang tingin ko, palayo sa aking kamay. Nakita ko na si Anne ito.
"Akala ko roon ka lang. Busy na magpapansin kay Timothee. Umamin ka nga sa akin, crush mo ba 'yun?" Diretsang tanong ko.
Sinisingkit ang mata.
"Crush? Him?" Tinuro niya pa ang likod niya. "Gross! Oh my gosh, no!" Nagkunwari pa siyang nandidiri gamit ang pag-alog ng kaniyang balikat at kunwaring pagsuka na paraan niya ng paglabas ng sinabi ko sa kaniyang sistema.
"Nagkunwari ka pa," pang-aasar ko lalo.
Tumigil kami bigla sa paglalakad.
Nasa may palamig na pala kami malapit sa gym.
Naglabas din ako ng barya kasi masyado ata akong nauuhaw sa pang-aasar sa kaibigan ko.
Nasa tabi ko na rin pala di Timothee na bumili ng tatlong baso. Tinulungan ko siya sa paghawak nito.
"Luna, please. I don't like him. Not now. Not ever. No." Matigas ang pag-iling ng ulo niya. "In between the two of us, ako lang dapat ang nag-te-tease sa'yo about our lovelife. Like that one," tinuro niya ang harap,"is looking at you as you walk."
BINABASA MO ANG
Tale Of A Moon
RomanceOnce there was a girl named Luna. She lives in the reality where everything was blue and everything was misery with a touch of travail. She refers to herself with the moon who was sometimes in crescent or sometimes whole. Days passed and nights dark...