cw// mention of self harm
February 20, 2004Ang hirap huminga kapag nakikita ko siya.
Apat ng araw na ang lumipas simula nung mangyari 'yun at bumalik kami sa paaralan.
Hindi na siya katulad ng dati kaya hindi ko masasabing bumalik kami sa normal.
Hindi naman kasi normal na makita ko si Alex na malayo sa kaniyang kaibigan.
Palaging mapait ang lasa sa aking dila tuwing nakikita ko siya na sumusulyap sa amin habang kumakain.
Tapos siya ay mag-isa.
Parang gusto ko na lamang umiyak.
Kahit ilang pilit ko sa kanila na pwede naman nila akong iwan at samahan si Alex ay ayaw nila.
Gusto nila manatili sa tabi ko.
Parang nawawala ang asul sa langit at napapalitan ito ng abo dahil sa mga salita nila at minsan napapatingin ako rito para tanungin kung alam ba nila ang lahat ng nangyari sa aming dalawa.
Dahil sa totoo lang, ako ang may kasalanan.
At sobrang pait nun sa dila ko.
Ayaw ko naman sila tanungin kung alam nila o kahit man lang kaunti ay alam nila kasi ayaw ko muna pag-usapan ang bagay na 'yun.
Tama na si Mama at si Anne lang ang nakakaalam.
"Luns! Luna!" Biglang tawag sa akin ni Timothee kaya tumingin ako sa kaniya.
Kinunot ko ang noo ko. "Bakit?"
Naglabas siya ng isang ngiti sa akin. "Wala, wala."
Weird.
Inalis ko ang tingin ko sa kaniya.
Nagnakaw ako ng sulyap sa kabilang banda kung saan ay nandoon siya.
Nanonood lang sa amin habang kumakain o minsan ay nagbabasa. Pero pagkanakaw ko ng tingin ay wala na siya rito.
Hindi ko na alam kung ano ang ginagawa niya kapag wala siya sa harap ko.
Gusto ko ng bumalik sa rati.
Ang sakit na nito sa puso.
Binalik ko ang tingin ko sa pagkain ko.
Gusto niya bang bumalik na kami sa rati?
Natapos na ang lunch time namin kaya naman pumasok na ulit kami sa kaniya-kaniyang room namin.
Sumama muna kami ni Anne kanila Forsythe bago tuluyang pumasok sa amin. Nang makarating kami ay nakita namin siya na nakaupo lang.
Nagbabasa sa notebook niya habang nakikinig sa musika sa kaniyang earphones. Hinawakan ko na sa papulsuhan si Anne at hinila na siya paalis doon.
Okay lang naman siya. Sa panlabas.
Nang uwian na namin ay katulad ng dati, hinintay ko muna si Anne na ayusin ang gamit niya 'tsaka kami aalis na dalawa.
BINABASA MO ANG
Tale Of A Moon
RomanceOnce there was a girl named Luna. She lives in the reality where everything was blue and everything was misery with a touch of travail. She refers to herself with the moon who was sometimes in crescent or sometimes whole. Days passed and nights dark...